Thursday , June 4 2026
Yen Santos Chavit Singson

Yen, Manong Chavit, itinanggi pagkakaroon ng anak

NAGHARAP sina dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson at aktres, Yen Santos para linawin ang mga usapin na pinag-uugnay sila lalo ang matagal-tagal nang ikinakabit sa kanila, ang pagkakaroon daw nila ng anak.

Sa unang episode ng YouTube vlog ni Yen, pinabulaanan nitong nabuntis siya ng dating gobernador at nanganak sa kanilang baby. 

At dito’y ipinangakong gagawa ng content kasama si Chavit para linawin kung may anak nga ba sila o wala.

Sa latest YouTube vlog ng aktres na kasama na si Manong Chavit diretsahan nitong tinanong ito.

Ano ang comment mo sa mga rumor tungkol sa atin?” 

“Palagay ko ikaw lang makasasagot niyan, natatawang tugon ng dating politiko.

Well, wala naman okay lang dahil ‘yung iba marites lang,” sey pa ni Manong Chavit sa kanyang mga basher.

Parang more than a decade na kasi he’s a good family friend,” ani Yen.

“Super tropa ito ng aking parents kaya lagi tayo nai-issue. Mayroon pa nga raw tayong anak ‘di ba? Malaki na raw ‘yung anak natin si Yan Yan,” natatawang wika ni Yen.

Guys, hindi po namin ‘yun anak. Kapatid ko ‘yun at ninong siya (Chavit) niyon,” paglilinaw ni Yen.

Sa bandang huli ng vlog, natatawang nabanggit ni Chavit na nahirapan siya sa mga tanong ni Yen, lalo sa personal na aspeto ng kanyang buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …