Thursday , June 4 2026
John Clifford Joshua Garcia

John Clifford madalas mapagkamalang kakambal ni Joshua

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG nakita ng Sparkle artist na si John Clifford si Joshua Garcia sa katatapos na 37th PMPC Star Awards For Television,  na handog ng BingoPlus ay naguwapuhan at na-starstruck siya rito. 

Kaya naman, nang manalo siya bilang Best New Male TV Personality, bago ang kanyang acceptance speech, ay nagbiro siya. 

Aniya,  “Can I introduce myself again?  Kambal po pala ako ni Joshua Garcia. Hindi! Joke lang po.”

In fairness, marami naman ang nagsasabi na may hawig si Clifford kay Joshua.

Pagkatapos niyon, ay ibinahagi na ng bagets ang award na napanalunan niya sa Nasa Itaas.

I share this award first and foremost with God. Nagpapasalamat po ako sa blessing na ito,” sabi ng binata.

Pinasalamatan din niya ang sitcom na Pepito Manaloto, na naging semi-regular siya rito.

Ito ang nagpanalo sa kanya.

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang mga magulang na sina Daddy Dong at Mommy Pie, sa pagiging supporitive ng mga ito sa kanyang career.

Ganoon din ang kanyang management na Sparkle GMA Artist Center, at mga faney sa walang sawang pagsuporta sa kanya.

To John Clifford, our congratulations!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …