Thursday , June 4 2026
Sharon Cuneta scented candles

Sharon may bagong negosyo

MATABIL
ni John Fontanilla

PINAGKAKAABALAHAN ngayon ni Sharon Cuneta ang paggawa ng scented candles at  gusto nitong gawing negosyo.

Sa interview nito sa  Beyond the Exchange ni Rico Hizon, ibinahagi ng megastar na gumagawa siya ng sarili niyang scented candles na balak na rin niyang itinda.

Tsika ni Sharon, “I think I have decided to turn it into a tiny business,” anang aktres. “It’s therapeutic for me. When I have time to make them, it’s special.”

Ginagawa ni Sharon ang mga scented candle sa kanyang condo na ang iba ay gagawin niyang panregalo sa malalapit na kaibigan para sa nalalapit na Kapaskuhan.

Plano din nitong maglabas ng dalawang klase ng packaging na ang isa ay in tin can at ang isa ay in a designer jars, na balak niyang ipamahagi sa boutiques or department stores. 

Wala pang eksaktong date sa launching ng scented candles ni Sharon, pero excited na ang mga anak nito.

Pero umaasa si Sharon na bago mag-Pasko ay magigung available na ang kanyang scented candles.

While I have the time,” nakangiting wika ng aktres. “I’m preparing for my own gift-giving this Christmas. I’m making my own gifts.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …