Thursday , June 4 2026
Shane Bini

BINI gustong maka-collab ng Pinoy-Canadian singer, Shane

MATABIL
ni John Fontanilla

PROMISING ang baguhang singer na ipinanganak at lumaki sa Toronto, Canada, si Shane na alaga ng Vehnee Saturno Music.

Katulad ng kanyang mga idolo na sina Celine Dion, Mariah Carey, Whitney Houston, at Regine Velasquez ay biritera rin si Shane na napahanga ang mga invited entertainment press sa ganda at taas ng boses.

Sa launching ng kanyang first single na My Boy na danceable mula sa komposisyon ni Maestro Vehnee Saturno ay inawit nito with back up dancers.

Ayon kay Shane, “Eversince my biggest inspiration po are Celine Dion, Mariah Carey, Whitney Houston and dito naman sa ‘Pinas Regine Velasquez and Bini.

“The first song that I perform when I was young was ‘To Love You More’ by Celine Dion.”

Ang very supportive dad nito ang nagturo sa kanyang kumanta at  namana ang husay sa pagkanta.

When I was a todler, my dad thought me how to sing, I have my talent from him and now I’m here.

I would describe my music style as… honestly I love everything, I want to learn how to become versatile because in case someone ask you to sing this song you can sing it, dapat ganoon.”

Ang sikat na grupong Bini naman ang gusto nitong maka-collab sa concert.

I would say Bini po, because my generation is same as mine, we can get the same audience.”

Thankful si Shane sa kanyang very supportive

Mother na kasama mula sa Canada para sa launching at promotion ng kanyang awiting My Boyat sa kanyang father na nasa Toronto, Canada, at sa kanyang composer na si Maestro Vehnee, at voice coach na si Ladine Roxas- Saturno.

Habang nasa Pilipinas si Shane ay magiging abala ito sa kanyang mall show na magsisimula sa Aug 2 sa Ali Mall Araneta City at guesting sa iba’t ibang radio program.

Ang My Boy ay available na sa lahat ng streaming app habang ang music video at lyric video nito ay mapapanood sa Youtube Channel ng Vehnee Saturno Music.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …