MA at PA
ni Rommel Placente
INAMIN ni Ruffa Gutierrez sa interview sa kanya ng Fast Talk With Boy Abunda na may pinagdaraanan sila ng boyfriend na si Herbert Bautista. Hindi nga raw sila nag-uusap sa ngayon.
“With Herbert, well, we’re going through a bump right now and we’re not speaking. So let’s see if that bump will last or we’ll speak again. I don’t know,” sabi ni Ruffa.
Ayon pa kay Ruffa, pareho silang abala ni Herbert sa ngayon, at mainam na makapag-isip-isip muna sila pareho.
“Well, I’ve been busy also and he has other things that he should take care of as well when it comes to personal matters. So maybe this is also a good time because it’s been five years since we first met again on the set of a project that we did. So, limang taon. So, magandang space ‘to para makita natin kung itutuloy ba or ihihinto natin,”aniya pa.
Sinabi rin ni Ruffa na hindi sila nagli-live inni Herbert.
“Hindi ako naniniwala sa live-in. Kaya ‘yung mga relasyon ko, nagtatagal kasi may space, excited kayo to see each other. Kung everyday, gumigising ka, siya ‘yung katabi mo, parang, oh my gosh. I don’t know, ha? Sorry, my longest relationship kasi was seven years. Hindi pa ako lumalampas ng seven years,” tsika ni Ruffa.
Pagbabalik-tanaw ni Ruffa, 13 pa lang siya noon nang una silang magkita ni Herbert. Hindi agad sila nagpansinan.
Hanggang sa sumali siya sa Miss World at binigyan siya ni Herbert ng isang libro.
“And then I remember when I was 17, binigyan niya ako ng libro. Sabi niya, ‘Ito, basahin mo itong libro na ito. Maganda ‘yan. Para ‘pag tinanong ka sa Q&A sa Miss World, makasasagot ka.’ So ako naman, ‘My gosh, may pictures ba ito? What’s this book?’”
Sa kabila ng nararanasan nilang gusot sa relasyon, sinabi ni Ruffa na patuloy niyang sasariwain ang mga magagandang pinagsamahan nila ni Herbert.
“So even if we’re going through a little bump right now, I will always treasure our precious moments because he’s the one that encouraged me also to study.”
Reaksiyon ng mga netizen, hindi raw kaya sa huli ay sila talaga ng dating asawa na si Yilmaz Bektasang nakatadhana?
Naikuwento ni Ruffa na good friends at lagi na silang nag-uusap ni Yilmaz ngayon. Sa katunayan, nasa Turkey ngayon ang mga anak nila na sina Lorin at Venice para magbakasyon sa kanilang ama. Balak din daw ng aktres na imbitahan si Yilmaz sa kaniyang kaarawan sa June 24.
Well, wala naman masama dahil single naman si Yilmaz ngayon at tila nagpaparamdam pa rin ito sa kanya, na gusto siyang balikan.