Thursday , June 4 2026
Kenny G

Grammy Award Winning Saxophonist Kenny G, Live sa Manila

MAGHANDA na para sa isang gabi ng pakikinig ng smooth jazz mula sa sikat na international saxophonist na si Kenny G na magtatanghal sa isang one-night-only concert sa Hulyo 15, 2025, sa New Frontier Theatre, 8:00 p.m..

Kilala sa kanyang madamdaming pagtugtog ng saxophone, asahan ang isang gabi na puno ng timeless classics na tiyak magpapa-relax ng inyong panonood.

Sa mahigit tatlong dekadang career at may mahigit 75 million records na naibenta sa buong mundo, si Kenny G ay nananatiling isa sa pinaka-hinahangaang instrumentalist sa kasaysayan ng musika. Mula sa romantikong pagtugtog ng Songbird hanggang sa madamdaming hatid ng Forever in Love, ang kanyang musika ay nakaantig sa milyon-milyong puso. Ang kanyang phenomenal hit na Going Homeay naging isang worldwide favorite lalo na sa bansang China.

Hanggang ngayon ay patuloy sa pamamayagpag sa mundo ng smooth jazz si Kenny G dahil ang kanyang 2015 album na New Standards. Inspired mula sa jazz ballads ng dekada ‘50 at ‘60, ang album ay pinagsama ang mga klasikong chord progressions sa makabagong recording techniques. Ilan sa mga standout tracks ay ang Two of a Kind  at Legacy, isang kakaibang collaboration na gumamit ng sampled performance mula sa jazz legend na si Stan Getz. Ang pinakabagong album naman niyang Innocence   ay ginawa niyang akma sa lahat ng mahilig sa jazz music maging sa bagong henerasyon ng kabataan ngayon. 

Maliban sa musika, si Kenny G ay isang pop culture icon—mula sa kanyang viral moments, trending feature sa album ni Kanye West na Jesus Is King hanggang sa kanyang HBO documentary na Listening to Kenny G. Ang New Standards ay isang pagpupugay sa mga alamat ng jazz at patunay ng kanyang patuloy na pagkamalikhain sa jazz music industry.

Available na ang tickets sa www.ticketnet.com.ph. Ticket Price: GOLD 12000PHP, SILVER 8500PHP, BRONZE 5500PHP.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …