Thursday , June 4 2026
Maja Salvador Rhea Tan Beautederm Majeskin

2 reyna: Rhea at Maja, sanib-puwersa sa paglulunsad ng Majeskin

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAKARAMDAM din pala ng postpartum depression si Maja Salvador. Ito ang inamin ng aktres/entrepreneur sa paglulunsad ng kanyang bagong negosyo, ang Majeskin, isang body care brand in collaboration with business magnate, Rhea Anicoches-Tan, founder ng Beautederm Corporation noong Biyernes, May 23 sa Incanta Cave Bar, Quezon City.

Ani Maja, tulad din siya ng karamihan sa mga kapapanganak na nanay, nakaranas din  postpartum depression nang isilang ang panganay nila ni Rambo Nuñez, si Maria.

Kuwento ni Maja, hindi talaga niya makontrol ang kanyang emosyon sa ilang okasyon at pagkakataon, lalo na noong mga unang linggo pagkatapos niyang manganak. Hindi rin naman kasi biro ang pinagdaanan ni Maja sa panganganak kay Maria sa Canada na 30 oras pala siya nag-labor dahil sa laki ng bata.

“Mahaba ang pasensiya ko before, tapos biglang parang maliit na bagay, parang pumipitik ka. Parang, ‘sino ‘yon?’ Hindi ako ‘yon.’

“And then, buti na lang ‘yung husband ko (Rambo), pamilya mo, naroon sila. Relax, take a deep breath. Kung ano ‘yung napi-feel mo, it’s fine. Ang daming nangyari sa ‘yo, hindi biro,” pagbabahagi pa ni Maja sa launching ng bago niyang business venture, ang Majeskin Calming body scrub, body lotion, at body wash mula sa kanyang kompanyang, Reigning Majesty.

Naibahagi ni Ms Rei na dalaga pa lang si Maja at bago pa sila naging magkaibigan, naikuwento na ni Maja ang hilig sa body scrub at ang kagustuhan nitong magtayo ng negosyo ukol sa produktong ito. At dahil sa guidance rin ni Ms Rei, na hiningan ng paalam nina Maja at Rambo, naumpisahan ang matagal nang pangarap na inegosyo. 

Napag-usapan naman ang ukol sa postpartum depression dahil balitang sinunog ng isang ina ang kanyang mga anak.

Naging struggle rin kay Maja nang mawalan ng gatas ang kanyang dede pagkaraan ng walong buwan. Ito na ‘yung panahong nagdesisyong bumalik sa pagdyi-gym at pagda-diet si Maja. Na-depress siya nang matigil ang pagbi-breastfeed sa anak.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Maja nang maisagawa nila ang negosyo dahil nakatulong ito para sa kanyang mental health.

“Itong Majeskin, isa lang itong pangarap. So, dream come true talaga. Ang dami kong idea, pero hindi ko nagagawa. Natatakot ako, but with the help nga of my husband, mga kaibigan ko and my Manang Rei, ito na nga siya, naisakatuparan ko na,” sabi ni Maja.

Ang body care na inilunsad noong Biyernes ay ang Calming Body Wash (Chamomile Scent), Calming Body Scrbu (Chamomile Scent), Calming Body Lotion (Chamomile Scenet), Nourishing Body Wash (Milk Scent), Nourishing Body Scrub (Milk Scent), at Nourishing Body Lotion (Milk Scent). Ang mga ingredient nito ay hyaluronic acid, Collagen, Niacinamide, arbutin, Botanical extracts, goat milk, at aloe vera.

Binigyan diin ni Maja ang kanyang kasiyahan tungkol sa bagong venture, na si Ms Rhea ang nagsilbi bilang isa sa kanyang business mentor. Ang endoso ni Maja sa Beautederm ay nagbunga ng tunay na pagkakaibigan ng dalawang negosyante. Isa si Rhea sa mga pangunahing sponsor sa kasal ng aktres na nagpakita ng kanilang pagmamahalan at paggalang sa isa’t isa. 

Nagbibigay ang majeskin ng minimal, majestic, at made for skin products, na nangungunang sangkap para sa pag-aalaga ng balat sa katan. 

Tunay na inspirasyon ang pagkakaibigan nina Rhea at Maja sa kanilang pagtutulungan.

Maja and I have always wanted to work together when queens unite they create something majestic. Maja embodies everything a queen should be: authentic, determined, passionate, and creative. 

“And as a beauty entrepreneurs, we must not just serve ‘face cards’ but also deliver a glow tht extends beyond the surface,” giit pa ng Beautederm founder. 

Sa kabilang banda, sinuportahan naman ng mga kaibigan, ‘kapatid’ niya sa Beautederm ang paglulunsad ng produkto/negosyo ni Maja. Nakita naming nagbigay suporta sina Maine Mendoza, Ciara Sotto, Bulacan Vice Governor Alex Castro, Sunshine Garcia, Darla, Thia Thomalla, Thou Reyes, Gillian Vicencio at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …