Barbie Forteza Kyline Alcantara

Barbie at Kyline mala-Koreana ang atake sa Seoul

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MUKHANG sumakses si Choi Bo-Min sa pag-welcome sa kanyang Beauty Empire co-stars na sina Barbie Forteza, Kyline Alcantara, at Aaron Maniego sa South Korea. Masayang lumipad ang apat pa-Seoul kamakailan para sa ilang eksena ng inaabangang pinaka-magandang laban sa primetime, ang Beauty Empire.

Sa posts ng GMA Public Affairs, makikitang mala-Koreana ang atake nina Barbie at Kyline habang suot ang kanilang fashionable outfits. 

Kung face card ang usapan, hindi talaga pakakabog ang dalawang Kapuso stars.

Kitang-kita ang closeness nina Barbie, Kyline, Choi Bo Minh, at Aaron kahit pa unang beses pa lang nilang magsama-sama sa isang serye. Lalo tuloy na-excite ang fans dahil sa chemistry na ipinakikita nila.

Soon ay ipalalabas na ang Beauty Empire, ang bagong serye ng GMA, Viu, at CreaZion Studios. Abangan!