MA at PA
ni Rommel Placente
MUKHANG wala ng pag-asa ang ex husband ni Ruffa Gutierrez, si Ylmaz Bektas sakaling umuwi ito ng ‘Pina at makipagbalikan sa aktres.
Obvious na inlove na rin si Ruffa sa boyfriend nitong si Herbert Bautista.
Lantaran na ngang ipinakikita niya ang pagmamahal sa komedyante.
Sa kanyang TikTok account nitong Martes, May 13, ay idinaan ng aktres ang kanyang pagbati sa birthday ng dating Quezon City mayor sa pamamagitan ng cute na compilation videos ng kanilang happy moments.
Sa video makikita ang pagde-date nila sa isang restaurant, panonood ng NBA games, at pagbisita ni Herbert sa bahay nina Ruffa ka-bonding ang mga aso ng aktres.
Sa caption ng post ni Ruffa sey nito, “One day late but the most unforgettable moments don’t make it to social media.
“Happy birthday, HERBERT CONSTANTINE MACLANG BAUTISTA!”
May 12 ang birthday ni Herbert at 57 years old na siya. Going strong to more than four years naman ang kanilang relasyon na nagsimula sa seryeng The House Arrest of Us na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong 2020, panahon ng pandemic.