Thursday , June 4 2026

JC Alcantara inuulan ng magagandang projects  

MATABIL
ni John Fontanilla

BONGGA ang first quarter ng 2025 ng Kapamilya actor na si JC Alcantara sa dami ng proyektong ginagawa.

Isa na rito ang first Filipino vertical serye sa First Piso Serye platform sa Pilipinas, ang Saving Sarah ng Breetzee Play. 

Tsika ni JC nang makausap namin sa dinner party ng Artist Lounge Multi Media, Inc. kamakailan, “Maganda ang pasok sa akin ng 2025 Tito John dahil kasama ako sa 

‘Saving Sarah’ under Beetzee Play, ang First Filipino vertical serye on the First Piso Serye platform in the Philippines. 

“This February 14 na po siya mag-start. I’m with Yuki Takahashi, ‘yung asawa ni David sa ‘Batang Quiapo.’”

Bukod sa Saving Sarah ay kasama rin ito sa pelikulang P 77  kasama sina Barbie Forteza, Euwenn Mikael, Gina Paren̈o, Rosanna Roces, Jackie Lou Blanco atbp.. Sa direksiyon ni Derick Cabrido.

Habang ang takbo ng kanyang kauna-unahang negosyo, ang samgyupsal house sa Bongabon, Nueva Ecija ang Thornes Samgyupsal House.

At sana nga raw ay magtuloy-tuloy ang dating ng magagandang projects sa kanya ngayong taon at magkaroon pa ng maraming branches sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang samgyupsal business.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …