Monday , February 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia muling nag-request ng apo kina Ria at Zanjoe; Sabino kukunin ‘pag naglalakad na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI ikinaila ni Sylvia Sanchez na gusto pa muli niya ng apo. Kaya naman talagang ini-request niya sa mag-asawang Ria at Zanjoe Marudo na gumawa pa uli.

Kitang-kita kay Ibyang (tawag kay Sylvia) ang galak kapag ang apo na niyang si Sabino (anak nina Ria at Z) ang pinag-uusapan. Kasi naman talagang kinasbikan niya ang pagkakaroon ng apo kaya nga nang malaman nilang buntis na ang anak na si Ria ganoon na lamang ang kanilang kasiyahan.

Ani Ibyang nang makahuntahan pagkatapos ng special screening ng animated film na Buffalo Kids na palabas na ngayon handog ng kanilang Nathan Studios Inc., sinabi nitong sa ngayon ay hindi niya masyadong nadadalaw ang kanyang apo dahil sobrang busy niya sa kanilang produksiyon. Bukod kasi sa pagiging artista talagang hinarap na niya ang pagiging prodyuser.

“Masaya, kaya lang hindi ko palaging nakikita ang apo ko, kasi sobrang busy kami sa promo ng movie.

“Pumupunta lang ako every Sunday, katulad ngayon after nitong screening ng ‘Buffalo Kids’ pupunta kami,” anang premyadong aktres.

“So, hinahayaan ko muna kina Zanjo at Ria ‘yun anak nila, na sila ang mag-alaga.  Pero once na maglakad na ‘yan at nagsasalita na, nakakausap at nakaiintindi na, akin na ‘yan, ha ha ha.

“Alam naman nila ‘yun at wala silang magagawa ha ha ha.

“Kaya ang sabi ko sa kanila, gumawa agad sila, para sa akin itong si Sabino,” natatawang pahayag pa ni Ibyang.

Iginiit ni Ibyang na gusto niya ng maraming apo.

Gusto ko kasi ng maraming apo, kaya ‘yun talaga ang sabi ko kina Ria at Zanjoe, para makuha ko ‘yun baby nila.”

Puring-puri naman niya ang anak na si Ria sa napaka-hands on nitong nanay kay Sabino. Nakikita niya kung gaano ka-enjoy ang kanyang anak sa pag-aalaga sa anak.

“Pinababayaan ko sila, ayokong talagang makialam sa pag-aalaga nila.  Hands-on talaga sila, lalo na si Ria.

“Pinaghandaan talaga niya ‘yun at hindi siya nataranta.”

Ukol naman sa isa pa niyang anak na si Cong Arjo Atayde at sa maybahay nitong si Maine Mendozana magtu-two years na rin palang kasal sa July, hindi niya minamadali ang mga ito na mag-anak. Katwiran ng aktres, buhay iyon ng kanyang anak na ayaw niyang panghimasukan.

“Nirerespeto ko ang gusto nila.  Kasi kinausap naman nila ako na may time sila kung kailan nila gustong magka-baby.

“Kaya sabi ko, ‘bahala kayo,’ buhay naman nila ‘yun eh.  Kaya hindi ako puwedeng makialam.

“Pero sabi ko rin sa kanila ‘’pag lumabas ang anak n’yo, akin din ‘yun’ ha ha ha.”

Natanong din si Sylvia kung walang planong gumawa ng pelikula ang mag-asawang Arjo at Maine na prodyus ng Nathan Studios.

“Ayaw nila eh,” ani Ibyang. “At kung gusto naman nilang gumawa ng movie, sila na lang ang mag-produce.

“Para magawa nila ang gusto nilang concept, kaya bahala na sila riyan, hindi rin ako makikialam.

“Marami nga ang humihingi sa akin para sa magkasama sila sa isang project, pero hindi pa ito ang right time.”

Sinabi pa ni Sylvia na tinututukan niya ngayon ang Nathan. “Nakatutok ako ngayon, pero sabi ko, later on, kayo na ‘yan.

“Kailangan ko lang itayo ang Nathan at ayusin.

“Pag mayroon akong binibili, tinatanong ko sila kung okay ba, kung maganda ba ito.  Pinapa-approve ko rin sa kanila, nagko-consult din ako sa kanilang lahat.”

Sa kabilang banda, sa mga hindi nakapanood ng Metro Manila Film Festival entry ng Nathan, may pagkakataon nang mapanood ito. Magkakaroon ng special run sa UPFI Film Center Videotheque simula Huwebes, February 20, 11:00 a.m. at 5:00 p.m..; Feb 21 Fri, 2:00 p.m.; Feb 26, Wed 2:00 p.m.; Feb 27 Thurs, 2:00 p.m., at March 1 Sat, 2:00 p.m. Ang ticket ay Php 200 regular at Php 150 kapag discounted.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Martin Venegas Project Loki

Martin Venegas excited makatrabaho si Direk Xian Lim 

MATABILni John Fontanilla EXCITED nang makatrabaho ng Viva artist na si Martin Venegas ang kanilang direktor na si Xian Lim sa Project …

Kiray Celis Stephan Estopia Kirays Brands

Kiray paspas sa pagbuo ng pitong anak

HARD TALKni Pilar Mateo STALKER! Mayroon pala niyon si Kiray (Celis-Estopia).  Sumusulpot sa mga event niya. …

Ice Seguerra Fire and Ice

Fire and Ice lumawak pa — may stage prod, pelikula, serye, at consultancy

HARD TALKni Pilar Mateo MORE and more in store.  Ang ihahatid ng Fire and Ice, ng …

Ejay Falcon

Ejay pag-arte hindi tatalikuran

RATED Rni Rommel Gonzales SA eleksiyon last year ay nabigo si Ejay Falcon, na noon ay bise …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia malaki ang tiwala sa mga bida ng I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales KA-CHAT namin si Sylvia Sanchez isang gabi matapos ang contract-signing ng Nathan Studios/Nathan Studios …