Drew Arellano Iya Villania Anya Love

Iya isinilang ikalimang anak nila ni Drew

MATABIL
ni John Fontanilla

IBINALITA ni Drew Arellano na nanganak na ang kanyang pinakamamahal na asawa, si Iya Villania-Arellano sa kanilang ikalimang anak.

Sobrang saya ni Drew na ipi-nost nito sa kanyang Instagram ang mga larawan ng kanilang baby girl, si Anya Love Villania na ipinanganak noo ng  February 11, 2025, 10:52 a.m..

Anya Love Villania-Arellano. February 11, 2025. 10:52 a.m..”

Ilan sa mga kaibigan ng mag-asawang Iya at Drew tulad nina  Lovi Poe, Luis Manzano, Megan Young, Jessy Mendiola, at Carla Abellana ang nagpahayag ng congratulation sa kanila.