I-FLEX
ni Jun Nardo
KASADO na agad ang unang TV series ni Jennylyn Mercado sa GMA na bahagi ng bagong kontrata niya sa network.
Eh ang asawang si Dennis Trillo pa ang kapareha niya sa action series na Sanggang Dikit, kaya wala talagang kawala sa network si Jen, huh!
Eh ang GMA Pictures din ang magdi-distribute ng movie nina Dennis at Jennylyn na Everything About My Wife, kaya may peace of mind na si Jen na maaalagaan itong mabuti sa promotions.