I-FLEX
ni Jun Nardo
WALANG kompirmasyon si Richard Gutierrez kung may relasyon na sila ni Barbie Imperial. Basta sinabi niyang walang third party sa hiwalayan nila ng asawang si Sarah Lahbati.
Siyempre pa, abangers ang lahat kung aamin ba si Chard sa reason niya kay Barbie kung sila na ngang talaga.
Eh tila hindi pa annulled ang kasal ni Chard kay Sarah kaya maingat siyang ipagsigawan ang relasyon sa ibang babae, huh.