SUGATAN ang dalawa katao sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa lungsod ng Mandaluyong, nitong Linggo, 19 Enero.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagalusan si Fire Officer 2 Navarro, 34 anyos, sa kaniyang kanang siko habang nagreresponde sa sunog.
Samantala, nakaranas ng pagkahilo ang isang residente, kinilalang si Teresita Sta. Teresa, anyos, sa kalagitnaan ng insidente.
Unang naiulat ang sunog dakong 2:42 pm kahapon, na umabot ng unang alarma, at itinaas sa ikalawang alarma dakong 2:49 ng hapon.
Nakontrol ang sunog dakong 3:24 ng hapon, at tuluyang naapula dakong 3:48 pm.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsalang dulot nito.