Thursday , June 4 2026
MIFF Manila International Film Festival 2025

KathDen join sa MIFF, Hello Love Again mapapanood din 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAG-VIRAL ang video and photos ni Kathryn Bernardo na kumakain ng grapes sa ilalim ng mesa.

Tradisyon kasi sa mga lalong gustong yumaman at lapitan ng pera ang ganoong akto kaya’t sinusunod ito sa tahanan ng mga Bernardo.

May mga natutuwa at nakyukyutan pero may mga namba-bash din dahil umano hindi na raw ito bagay sa aktres at tila sinasabi pa ng ilan na parang pagpapakita raw ‘yun ng hindi pagiging kuntento sa yaman.

Hay, ang mga Pinoy talaga. Lahat na lang ……hahahaha!

Anyway, balitang pupuntahan nina Kath at Alden Richards ang darating na Manila International Film Festival sa USA sa Jan. 30-Feb. 2.

Kalahok din kasi ang movie nilang Hello, Love Again sa gaganaping second MIFF na kasali nga ang sampung entries sa Metro Manila Film Festival.

Yes, kasali sila kaya’t kasama sila sa mga posibleng manalo sa awards night.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …