Tuesday , July 8 2025
Bianca Umali Ruru Madrid

Bianca pinabulaanan pagli-live-in nila ni Ruru

MATABIL
ni John Fontanilla

MARIING itinanggi ni Bianca Umali ang bali-balitang nagli-live in na sila ng kanyang boyfriend na si Ruru Madrid.

Sa guesting nito sa Fast Talk ni Kuya Boy Abunda, klinaro ni Bianca ang katotohanan sa malisyosong tsismis.

Klaruhin natin…Hindi pa po kami kasal. At definitely, hindi po kami magsasama ng hindi kami kasal,” ani Bianca.

Pero very honest naman nitong sinabi na sa pitong taon nilang relasyon ay napag-uusapan na rin nila ang tungkol sa kasal.

Kami po ni Ruru ay, of course, we are on our  7th-year-of-the-relationship. Of course, our conversations are there.

Pero sa ngayon, mina-maximize po namin ang aming individual careers. At, oo, madali lang pong sabihin na handa na kaming magpakasal. Because in our hearts, we are really ready,” anang dalaga. 

Pahabol pa ni Bianca na malabong mangyari na mag-live-in sila dahil labag ito sa mga aral ng Iglesia ni Cristo na kapwa sila miyembro. Magsasama lang daw sila sa iisang bubong kapag kiinasal na sila.

Sa ngayon ay prioridad nila ang kani-kanilang career.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Jurassic World Rebirth MTRCB

‘Jurassic World: Rebirth’ at dalawang klasikong pelikulang Filipino, aprub sa MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio APRUB sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Rhea Tan Ysabel Ortega Miguel Tanfelix

Rhea Tan humataw agad bilang  president ng Rotary Club ng Balibago, kasama sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Beautéderm founder na si Rhea Tan ay nagsimula na …

Marco Sison

Marco sa KPop at PPop, malaki ang impluwensiya sa ating musika

MA at PAni Rommel Placente KAHIT  ilang dekada na sa music industry ay aminado si Marco …

Anne Curtis

Anne nanggigil sa basher, ini-report sa X

MA at PAni Rommel Placente PINATULAN ni Anne Curtis ang komento ng isang netizen tungkol sa pagkapanalo …

Gretchen Barretto Atong Ang Sunshine Cruz

Greta isinasangkot sa mga sabungero, Sunshine at Atong hiwalay na?

I-FLEXni Jun Nardo SHOCKING sa showbiz world ang pagkakasangkot umano ni Gretchen Barretto na missing sabungeros. Itinuro …