Kris Lawrence PMPC Star Awards for Music

Kris Lawrence  pinasalamatan mga taong sumuporta sa 18 taon ng career

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGBALIK-TANAW at pinasalamatan ng R&B Prince of Pop Kris Lawrence ang mga taong naging parte ng kanyang journey bilang mang-aawit.

Matapos tanggapin ang Male R&B Artist of the Year sa PMPC 16th Star Awards for Music nag-post ito sa kanyang Facebook ng pasasalamat sa mga taong naniwala sa kanyang talento at sinuportahan siya sa loob ng 18 taon.

Honored and Grateful to win the R&B Artist of the Year at the PMPC Star Awards last night! Thank you to all my friends of the fabulous PMPC, ptr Rodel Bugtong Buban, HomeWorkZ Music, my team, and to everyone who has supported in this 18yr journey (and counting) of mine. Mabuhay ang OPM!! “

At bago nga matapos ang taon at sa susunod na taon ay marami pang mga bagong aabangan kay Kris.