Magic Voyz

Magic Voyz ‘di lang sa looks angat (Mahusay ding kumanta at sumayaw)  

MATABIL
ni John Fontanilla

GUWAPO at mahusay umawit ang walong miyembro ng uprising boyband sa bansa na Magic Voyz na kinabibilangan nina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, Asher Diaz, at Johan Shane.

Ang Magic Voyz ay  hawak ng Viva Records at LDG Productions ng aming matalik na kaibigan,  Lito De Guzman.

Sa kanila ngang matagumpay na concert ay ipinakita ng Magic Voyz na hindi lang looks ang angat sa kanila kung hindi mahusay din silang kumanta at sumayaw at ang kanilang first hit song ay ang awiting ‘Wag Mo Akong Titigan. 

Kasabay ng kanilang concert ang pagLUlunsad ng music video ng kanilang second sure hit song na Bintana.

Ang pangalang Magic Voyz ay inpired sa blockbuster movie na Magic Mike.

For booking ang inquiries, puwedeng kontakin ang Magic Voyz  sa kanilang Facebook  page. Maaari ring tawagan ang Viva Artists Agency sa  09178403522.