Thursday , January 22 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aquino Crosspoint

Carlo wish makagawa ng mala-Bourne series

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MATAGAL nang gustong gumawa ng action ni Carlo Aquino kaya naman nang i-offer sa kanya ang Crosspoint, na-excite siya. Bukod sa dream come true project, sa Japan pa gagawin.

“Sino ba naman ang tatanggi? Sa Japan ang shoot tapos action pa,” anito sa Spotlight presscon na isinagawa kahapon sa Coffee Project, Will Tower, QC.

Fan pala kasi ng action si Carlo tulad ng paborito niyang Bourne. 

Hindi pa kasi ako nakagagawa ng ganitong klaseng action. Usually family drama, romcom, kaya noong sinabi na medyo suspense ‘itong movie na na action, family drama, pwede,” nakangiting wika ni Carlo.

Sinabi pa ni Carlo na gustong-gusto niyang gumawa ng Bourne series.

Nandodoon pa rin ‘yung genre ko, medyo iniba lang natin gustong-gusto ko dati gumawa ng ‘Bourne’ series,” aniya.

Ginagampanan ni Carlo sa Crosspoint ang karakter ni Manuel Hidalgo, isang washed up actor na dahil matumal ang dating ng project napilitang magtungo ng Japan para mag-omise at mag-‘side hustle.’

He stumbled upon sa isang news na parang may isang serial killer tapos nakilala niya si Takehiro, pareho silang financially unstable, eh may pabuya, so hinuli nila ‘yun,” kuwento ni Carlo.

Kasama ni Carlo sa pelikula si Takehiro Hira at mapapanood ang Crosspoint sa October 16 sa mga sinehan nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …