I-FLEX
ni Jun Nardo
WALA pa ring kupas ang husay sa pagkanta ng grupong Eraserheads sa naganap na mini-concert reunion nila sa opening ng UAAP last Saturday.
Mga Batang UP din kasi ang grupo na kailan lang ay binigyan ng awards ng UP Alumni.
Ipinarinig ng Eraserheads through its vocalist Ely Buendia ang ilan sa hit songs ng grupo gaya ng Huling El Bimbo, Ligaya, Alapaap at iba pa.
Nakabibingi ang hiyawan at palakpakan mula simula hanggang sa huling kanta nila.
Ang UP ang host ng season ngayon at tinalo ng bastkeball team ng UP na Fighting Maroons ang kalabang Ateneo Blue Eagles.
Samantala, ang kakompetisyang collegiate sports game ng UAAP ay ang NCAA na kahapon inilabas ang opening ceremonies pero may basketball game na ang San Beda College, huh.
Sa totoo lang, hindi exempted ang collegiate basketball leagues sa kompetisyon, huh.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com