Monday , May 19 2025
Pilya Uhaw Vivamax

Ataska hanga sa mga taong lumalaban sa mga nang-aabuso

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI namin napilit magbigay ng saloobin ang Vivamax star na si Ataska ukol sa nangyayari ngayon sa dating nakarelasyon na may pinagdaraanan.

Ang tinutukoy namin ay ang anak ni Nino Muhlach, si Sandro na nag-file ng sexual abuse laban sa dalawang independent contractors ng GMA Network na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Sa presscon ng Uhaw na pinagbibidahan nila nina Angeli Khang at Ethan Rosales na idinirehe ni Bobby Bonifacio Jr., “no comment” ang isinagot ng dalaga.

Hindi rin namin napilit ang dalaga nang muling tanungin at uriratin kung ano ang masasabi niya sa ginawang pagsisiwalat ni Sandro.

Inurirat na lamang si Ataska kung nakaranasan na ba siyang ma-harass o nagte-take advantage sa kanya dahil nagpapa-sexy siya sa pelikula.

Ani Ataska, never siyang nakaranas ng sexual harassment kahit noong baguhan pa lamang siyang nagpapa-sexy. Nakatatanggap lamang siya ng mga hindi magagandang komento sa social media.

Malaki naman ang paghanga niya sa mga hinaharap at lumalaban sa mga nakararanas ng sexual harassment para makamit ang hustisya.

Aniya, “I admire their valor, and I hope their speaking out will lead to more people being held accountable.”

Sa kabilajg banda, nalaman naming personal choice pala siya ni direk Bobby para maging isa sa bida sa Uhaw. Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ng magandang dalaga nang malaman iyon lalo’t matagal na rin pala niyang gustong makatrabaho ang direktor.

Ani direk Bobby, noon pa niya gustong makatrabaho si Ataska dahil ito ang kumanta ng themesong sa naging pelikula niya noon. At dito sa Uhaw, si Ataska rin ang umawit ng ilang kanta para sa pelikula.

In this movie, na-showcase ko ’yung acting ko as well as my singing and I did a lot of drama scenes as well and I’m happy because it’s something that I’ve always wanted to explore sa career ko,” wika ni Ataska.

First love ni Ataska ang pagkanta at rito siya unang nakilala. 

Samantala, papawiin nina Angeli at Ataska ang uhaw sa isang mapusok na pelikula na ang kanilang mga karakter ay magkakaroon ng affair sa gitna ng isang pagsubok. Eksklusibong ii-stream ang Uhaw sa Vivamax simula September 13, 2024.

Ang kuwento ay tungkol sa mag-asawang Rejoice (Ataska) at Marcus (Itan). Masusubok ang kanilang pagsasama nang biglang magkaroon ng aneurysm si Marcus na naging dahilan ng pagka-coma.

Dahil sa mabigat na dinadala at malaking gastos sa ospital, si Rejoice, na isang singer, ay kukuha ng maraming gigs at maiisip din na kumapit sa patalim para lang magkapera.

Tila walang katapusan ang kanyang problema dahil matutuklasan din niya ang pangangaliwa ni Marcus sa kanyang cellphone. Ito ang magtutulak sa kanya na harapin ang lover ng kanyang asawa na si Astrid (Angeli).

Ngunit, ang pagkikita nina Rejoice at Astrid ay mauuwi sa isang affair. Habang wala pa ring malay si Marcus, matatagpuan nina Rejoice at Astrid ang kasiyahan sa isa’t isa, isang bagay na hindi nila naramdaman noon. Habang patuloy silang nagkikita, mas lalo silang nagkakamabutihan.

Panoorin kung paano haharapin nina Rejoice, Astrid, at Marcus ang pag-ibig at pagtataksil sa Uhawavailable na sa streaming simula September 13.

Sa September 20 naman ay mapapanood ang Pilya, ang kuwento ng isang Queen Bee at ng kanyang wanna-be bestie.

Si Dyesa Garcia ay gumaganap na si Dahlia. Mayaman at maganda, lahat ay gusto siyang maging kaibigan. Nae-enjoy niya ang lahat ng atensyon at napapaniwala naman niya ang ilan na gusto rin niya sa kanila. Isa na rito si Jules.

Si Cess Garcia si Jules, sikat dahil parte siya ng grupo ni Dahlia. Feeling niya na siya ang best friend ni Dahlia, pero ang totoo ay ginagawa lang siyang utusan nito.

Sa pagdating ng bagong estudyante na si Nessa, si Dani Yoshida, makakaramdam ng selos si Jules dahil nagiging malapit ito kay Dahlia. Sa kagustuhan niyang magkalayo ang dalawa, magpapakalat ng tsismis si Jules na may relasyon si Nessa sa kanilang gwapong teacher na si Prof. Lopez, si Chester Grecia.  

Ano kaya ang mapapala ni Jules sa ginawa niyang ito? May bahid ba ng katotohanan ang pinagkalat niya? Siya na ba pipiliin ni Dahlia? Subaybayan ang kuwento ng Pilyana idinirehe ni Dustin Celestino.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Arra San Agustin Jun Nardo

Arra San Agustin ginulat sa pa-birthday party ng fans

I-FLEXni Jun Nardo GUMASTOS nang todo ang fans ng Sparkle artist na si Arra San Agustin na …

Xian Gaza Isko Moreno

Yorme Isko bubuwelta sa mga naninira; Post ni Xian Gaza binura?

I-FLEXni Jun Nardo ISANG matapang na tanong  ang inilabas sa Yorme’s Choice page sa Facebook nitong nakaraang mga araw. …

FFCCCII Wilson Flores Pandesal Forum

FFCCCII may pa-Tiktok Video Competition 

NAPAKA-BONGGA ng inilunsad na Tiktok Video Competition ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and …

Zaijian Jaranilla Jane Oineza mukbang

Zaijian ninerbiyos, napasabak sa mukbangan kay Jane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TINILIAN, pinag-usapan, pinagkaguluhan ang trailer ng digital series ng Puregold Channel, ang Si …

Child Haus 2025

Taunang Gift Giving and Feeding project ng TEAM sa Child Haus, matagumpay!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING matagumpay ang taunang outreach project ng TEAM (The Entertainment …