Thursday , June 25 2026
Tony Labrusca

Tony nagpaligoy-ligoy sa usaping sexual harassment

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MARAMI ang naguluhan sa halos pasikot-sikot na paliwanag o sagot ni Tony Labrusca tungkol sa usaping sexual harassment/advancement/exploitation at ibang kaugnay na isyu rito.

Simpleng tanong lang daw kasi kung may na-experience ito, kung saan-saan na dinala ng hunk actor ang sagot.

Na kesyo aware siyang may ganoon sa showbiz, na physically ay nabibiktima ang mga gaya niyang “hunks” ng pagpantasya sa mga katawan nila, na kesyo may nababalitaan siyang pumapayag para sa advancement ng career etc, etc..

Kaloka ‘di ba? Para siyang naging spokesperson ng mga biktima o na-sexually molested etc. Sasagot lang naman kung nangyari sa kanya o hindi, eh kung saan-saan pa dinala ang usapan,” ang tila naiiritang tsika ng aming mga kausap.

Ang ending nga, walang direktang isinagot si Tony kung na-experience ba niya o hindi. Kaya kayo na lang daw po ang humusga sa naging sagot niya hahaha!

Aguy!!!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Renz Verano Hiram

Renz Verano klik pa rin, bagong kanta inilunsad

MATABILni John Fontanilla LABIS-LABIS na nagpapasalamat si Renz Verano sa suporta at pagmamahal ng kanyang mga tagahanga. …

Coco Martin Julia Montes Sigabo

Sigabo ni Coco pang-internasyonal, Unang episode nakakuha 404,124 peak concurrent viewers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA talaga kapag Coco Martin ang nagbida sa isang action series samahan mo …

Bam Aquino BINI

Bam Aquino sinamahan anak na si Rory at mga kaibigan sa BINI concert

IPINAGDIWANG ni Senador Bam Aquino ang Father’s Day kasama ang kanyang anak na si Rory at mga kaibigan nito …

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …