Love Child Cinemalaya

Love Child ng Regal tiyak pangunguna sa Cinemalaya awards night

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

DAPAT lang na maging frontrunner sa darating na awards rites ng Cinemalaya ang Regal Entertainment entry na Love Child.

Napakaganda ng movie in general. Very simple ang atake ni direk Jonathan Jurilla sa isyu ng ‘autism’ na siyang sentro ng kuwento.

Perfect casting din sina RK Bagatsing at Jane Oineza bilang couple na very solid ang support at pagmamahal sa anak na autistic.

Bongga pa ang setting nito sa Negros o Bacolod na nakadagdag ang awra sa maraming klase ng emosyon ng movie.

Ito na ang pinakamagandang movie na pinagsamahan nina RK at Jane. Talagang para silang totoong parents ni John Tyronn Ramos na napakagaling din sa movie.

Story, screenplay, direction, cinematography, editing, music and acting. l

Lahat ng mga aspetong iyan ay markadong markado sa pelikula.

Congratulations!