Thursday , June 4 2026
Fetus CR NAIA Terminal 1

Sa NAIA Terminal 1
FETUS IBINALOT SA NAPKIN SAKA ITINAPON SA RESTROOM

NATAGPUAN ang isang human fetus sa east departure restroom ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City.

Ayon sa ulat, isang miyembro ng cleaning staff ang naglilinis ng basura sa isa sa mga female restroom noong umaga ng Martes, 6 Agosto 2024, nang matagpuan niya ang isang napkin tissue na basa ng dugo sa isang basurahan sa loob ng isa sa mga cubicles.

Sa masusing pagsusuri, nagulat ang staff member nang matuklasan ang isang fetus na nababalot ng napkin tissue.

Agad na tumugon ang mga miyembro ng MIAA Airport Police Department (MIAA-APD) at ang MIAA Medical Team.

Kinompirma ng MIAA Medical Team, sa pangunguna ni Dr. Donita Arnesto, na ang laman ng basang napkin tissue ay tunay ay isang-buwan-gulang na fetus.

Inilipat ng MIAA-APD ang labi sa Ninoy Aquino International Airport Police Station 1 (NAIA PS 1) para sa angkop na aksiyon at disposisyon. Ang Philippine National Police – Scene of the Crime Operatives (PNP SOCO) ay naroon din upang magsagawa ng forensic investigation.

Samantala, isinasagawa ang isang joint investigation ng NAIA Police Station 1, ng Airport Police Department, at ng Sub Station 8 upang masusing matukoy ang kinaroroonan ng ina ng fetus. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …