Friday , September 13 2024
BLACKPINK World Tour

BLACKPINK World Tour Rated PG ng MTRCB

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TIYAK na maraming Filipino fans at BLINK community ang matutuwa dahil maaaring mapanood sa mga sinehan ang ginawang pandaigdigang konsiyerto ng sikat na Korean pop girl group na BLACKPINK.

Ito’y matapos mabigyan ng rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) – sa pagtataya nina Board Member Antonio Reyes, Racquel Maria Cruz, at Lillian Ng Gui – ang sine-dokumentaryo na binuo mula sa mga konsiyertong ginawa ng grupo.

Sa ilalim ng rated PG, maaaring makapanood ang mga edad 13 at pababa, ngunit kinakailangan na may kasamang magulang o nakatatanda na siyang gagabay sa kanila sa panonood.

Maging ang pelikulang Bluelock: Episode Nagi mula sa produksiyon ng Pioneer Films ay nakakuha ng kaparehong marka, sa desisyon nina Board Members Gui, Reyes, at Robert “Bobby” Andrews, Jr.

Bukod dito, binigyan naman ng R-13 rating ang pelikulang Trap mula sa Warner Bros. (F.E.) Inc. na pinagbibidahan ni Josh Harnett. Sa desisyon nina JoAnn Bañaga, Angel Jamias, at Neal Del Rosario, sinabi nilang may ilang aspeto ang pelikula na hindi angkop sa mga edad(12 pababa. Maging ang lokal na produksiyon mula sa VIVA Communications, Inc. na bida sina Sue Ramirez, Barbie Imperial, at Phi Palmos ay binigyan din ng kaparehong marka na R-13 rating. Sa desisyon ito nina Board Members Richard John Reynoso, Jan Marini Alano, at Katrina Angela Ebarle, na ipinaliwanag nila na ang pelikula ay nagpapakita ng paglalarawan sa droga o paggamit nito at iba pa na hindi angkop na eksena para sa mga edad 12 pababa.

Habang ang pelikulang Consumed naman na gawa rin ng Pioneer Films, ay binigyan ng R-16 rating. Ang R-16 ay para lamang sa mga edad 16 pataas. Sa desisyon ito nina BM Reynoso, Cruz, at Wilma Galvante na sinabing ang pelikula ay mayroong katatakutan at karahasan na hindi angkop sa mga batang edad 15 at pababa.

Pinaalalahanan ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mga magulang, na kinakailangan nilang gabayan ang kanilang mga anak na pasok sa age restriction ng isang pelikula, at maging mabuting halimbawa sa mga batang Filipino sa pamamagitan ng pagiging responsableng manonood.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Elia Ilano

Elia Ilano, kaabang-abang sa pelikulang Nanay Tatay

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SADYANG ayaw paawat sa paghataw sa kanyang showbiz career ang …

Teejay Marquez A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story

Teejay handang tumulong politika ‘di papasukin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO ang nilalakad ni Mayor Marcos Mamay (ng Nunungan, Lanao del Norte) noong …

Mon Mendoza Calvin Reyes

Mon at Calvin palaban, ‘kakagat sa alok’ para sa pamilya

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI pa talaga matatapos ang usapin ng sexual harassment na may …

Lilo Eigenmann Alipayao

Andi ibinandera galing ni Lilo sa pagse-surf

MA at PAni Rommel Placente BINUWELTAHAN ni Andi Eigenmann ang mga pumupuna sa pagpapalaki sa kanyang mga …

Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru hanggang pangako muna ng kasal kay Bianca

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Bianca Umali, nangako raw ng kasal sa kanya ang …