Sunday , July 14 2024
Elia Ilano Francisco Marto Jacinta Marto

Elia Ilano bibida sa Miracle of Fatima Musical Play

MATABIL
ni John Fontanilla

DREAM come true para sa  FAMAS at PMPC Star Awards for Movies Best Child Actress na si Elia Ilano ang mapasama sa international musical stage play na, The Miracle Of Fatima Musical Play na gagampanan niya ang role ni Lucia Dos Santos na nakasaksi sa apparition ng Our Lady of  Fatima noong  May 13, 1917 sa bansang Portugal kasama sina Francisco Marto at Jacinta Marto.

Ang The Miracle Of Fatima Musical Play ang pangalawang musical play ni Elia, una rito ang Maria Goretti The Musical under PSP Production.

“Ako po pangalawa ko po ito, ang una po ay ‘yung ‘Maria Goretti The Musical,’ under Philippine Stages Production at ako po roon si Maria Goretti.”

Para kay Elia malaki ang pagkakaiba ng pag-arte sa telebisyon at teatro. “Para sa akin po sobrang laki ng difference po, compared po sa TV/movies and sa teatro po. First of all, sa teatro live po siya, ‘pag nagkamali po kayo dapat hindi ipahalata, dapat po tuloy-tuloy lang.

“And there’s singing, dancing and acting po, kaya dapat po super focus. Sa TV at movies po kapag nagkamali puwedeng ulitin. Pero the main thing po ‘yung similarities po nila is ‘yung passion ko po sa acting..

Nagpapasalamat si Elia kay Ms Barabara Oleynick, ang creatorplayright/composer/lyricist/executive producer ng The Miracle of Fatima The Musical at Executive Director ng Fatima Foundation  Inc., dahil kinuha siya para sa role na Lucia.

Ilan sa naging pelikula ni Elia ang Ulan, Deleter, The Housemaid, at naging part din ito ng teleseryeng Sana Dalawa Ang Puso Ko.

Makakasama ni Elia sa play sina Prince Nathaniel España,  Kian Co, Sophia  Marie Banaag, Ramjean Entera, Aina Rhycel G. Salazar, Fatima Marieislang, Terrence Guillermo, at Bem Sabanal.

Nasa play din sina Carlos Bryant Aunor, Jerome Fugoso, Elinor Acorda, Malou Canzana, Jessy Calupitan, Sherry Ilano, Karl Tiuseco, Joselito Reyes, Mary Grace Sy, Alex Payan, Amikah Brigette Aunor, Maria Krischellei Robles, John Nicolas Gamboa, Randy Dela Cruz, Cielo Marie Dela Cruz, Crystal Faye Mañalac, at Matthew Joseph Escalante.

Mapapanood ang The Miracle of Fatima The Musical simula Oct. 13 sa Gateway Cineplex Cinema 5 hangang December 2024. Directed by Luis Marcell Ricart.

About John Fontanilla

Check Also

Stell Ajero Julie Anne San Jose Gary Valenciano Pablo Nase SB19

Pablo at Gary V tampok sa Julie X Stell concert

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMI na ang excited at talaga namang nakaabang sa nalalapit na Julie …

Dapat Alam Mo Susan Enriquez Kuya Kim Atienza.

Tandem nina Susan at Kuya Kim winner sa viewers

RATED Rni Rommel Gonzales MA-ENTERTAIN habang natututo ng maraming bagay Ito ang hatid ng  news magazine …

Kapuso Mo, Jessica Soho KMJS

KMJS paboritong programa ng pamilyang Filipino

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa pagiging Sunday viewing habit ng …

BI7IB Raymond RS Francisco Atty Aldwin Alegre Atty Honey Quiño

Newbie P-Pop boy group gustong makilala international tulad ng SB19

MARAMING plano ang AQ Prime Music, ang management ng P-Pop Boy Group, ang BI7IB na may bagong single na Say …

Maxine Medina

Maxine maraming nabago sa katawan simula nang magbuntis 

MATABILni John Fontanilla EXCITED na si Maxine Medina na ipanganak ang first baby nila ng asawang negosyanteng …