Wednesday , July 17 2024
Kira Balinger Kelvin Miranda

Kelvin kakaiba ang na-experience nang makatrabaho si Kira

RATED R
ni Rommel Gonzales

REFRESHING mapanood sa isang pelikula na magkapareha ang isang Kapuso at isang Kapamilya.

At iyan ang nangyari sa Chances Are, You and I nina Kelvin Miranda at Kira Balinger.

Refreshing din ang salitang ginamit ni Kelvin sa tanong namin kung ano ang pakiramdam na makapareha o makatrabaho ang isang artista na nasa kabilang TV station, lalo pa nga at mahigpit na magkalaban ang GMA at ang ABS-CBN. Nang gawin nila ang pelikula ay hindi pa nangyayari ang mga collaboration projects ng GMA at ABS-CBN.

Very refreshing siya,” saad ni Kelvin.

Kasi alam naman po natin before mataas ‘yung network war, ‘di ba, pero ngayon nagkakaroon na ng pagkakataon na mag-collab, magkatrabaho ‘yung artista sa kabila at saka ‘yung artista sa kabila, ‘yung mga ganito.

“Sa akin po kasi noong nangyari ‘yun parang iba ‘yung pakiramdam dahil, ‘Ano kaya ‘yung nakasanayan niya roon sa kabila?’

“At nakasanayan ko rito sa bahay namin, na puwede naming pagtulungan para mapaganda ‘yung pelikula.

“Which is kaya siya refreshing kasi may mga, alam niyo ‘yun, the way makitungo sa tao, the way magtrabaho. 

“Makikita natin doon ‘yung, kasi ang dami halos lahat nakatrabaho sa kabila pero… wala namang masamang nangyayari, pero naging refreshing siya.

“Kasi, ‘Ah ganito pala siya magtrabaho’, ‘Ah ganito pala sila, ganito sila, kasi ganito ‘yung nakasanayan nila.’

“Ganoon ko siya nakikita, hindi ko ma-explain nang husto, pero refreshing talaga.

“Kasi alam mo ‘yun, una, ang question is magwo-work ba? Kakagatin kaya ng masa?

Or marami bang maiinis or magagalit? Ang dami, ang daming tanong pero base roon sa naging resulta noong nagawa namin, is palagay ko naman magugustuhan niyo ‘yung pelikula.”

Sa direksiyon ni Catherine ‘CC’ O. Camarillo at sa produksiyon ng Pocket Media Productions, Inc at Happy infinite Productions at released at distributed ng Regal Entertainment, Inc., tampok din sa pelikula sina Tart Carlos, Jin Ho Bae, Anne Feo, Gian Magdangal, at Al Tantay.

About Rommel Gonzales

Check Also

Titus Low

Videos ni Titus Low pinagkakaguluhan ng mga beki

HATAWANni Ed de Leon NAGMUKHANG laos ang mga bagong BL films at BL internet series …

Barbie Forteza

Barbie dapat mabigyan ng magandang project

HATAWANni Ed de Leon NAGPUNTA kami sa isang malaking mall noong isang araw dahil may …

Priscilla tinapos relasyon kay John

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG tinuldukan na nga ng modelo at international beauty queen na …

Vilma Santos

Nominasyon ni Vilma bilang National Artist haharangin daw

HATAWANni Ed de Leon MAY isa kaming kaibigan na nagsabing ano raw kaya ang magiging …

50th MMFF

Vic, Piolo, Vice movies pasok sa first batch ng 50th MMFF

MARICRIS VALDEZ INANUNSIYO na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Film Festival (MMFF) chairman na si Don …