Friday , March 28 2025
Carlo Aquino Charlie Dizon Wedding

Carlo Aquino at Charlie Dizon ikinasal na

KAHAPON ng hapon, naganap ang kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon sa pamamagitan ng isang secret wedding sa isang private resort sa Silang, Cavite.

Sa report ng ABS-CBN News ilan sa mga principal sponsors sina ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Board of Directors member Charo Santos-Concio, Maricel Soriano, Olivia Lamasan, Vilma Santos-Recto, Veronique del Rosario-Corpuz ng Viva, Star Magic Head Laurenti Dyogi, Senator Bong Revilla at asawang si Cong. Lani Mercado. Kasama rin sa mga ninang sina President and CEO ng Beautederm Rhea Anicoche-Tan at Sylvia Sanchez.

Si Sue Ramirez ang maid of honor samantalang sina Belle Mariano, Kaila Estrada, at Adrian Lindayag ang bridesmaids. Sina Ketchup Eusebio at Ramon Bautista ang dalawa sa groomsmen.

Si Loisa Andalio ang candle bearer, si Elisse Joson ang veil, at si Alexa Ilacad ang cord.

Bago ang kasalan, nag-post si Carlo ng tila pre-nuptial picture nila ng aktres na may caption na: “Unti unti natin gagapangin ang buhay ng nakatawa @charliedizon_.” 

Sinagot ito ng aktres ng, “I love  you.”

Naging pahulaan ang kasalan dahil walang pag-amin mula kina Carlo at Charlie subalit isa sa senyales na posibleng totoo ang balitang kasalan nang dumating sa Pilipinas ang mga magulang ni Charlie na nakabase sa Los Angeles, California.

Nakapanayam din si Charlie noong Sabado ng gabi matapos manalong Best Actress sa 47th Gawad Urian ng veteran showbiz columnist na si Gorgy Rula. Tinanong dito kung bakit umuwi sa Pilipinas ang kanyang magulang at sinagot nito ng, “Dahil gusto po nila.”

About hataw tabloid

Check Also

Kathryn Bernardo sexy

Kathryn mala-super model at beauty queen ang awrahan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KATHRYN Bernardo at 29! Sobrang seksi at very mature na ang …

Star Magic School for the Creative & Performing Arts

Pangarap na maging next big star abot kamay sa SMSCPA

MALAKING tulong para sa nagnanais o may pangarap mag-artista ang paglikha ng Star Magic School for …

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis wagi sa Star Awards 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PANALONG-PANALO talaga sa puso ng Pinoy ang  Walang Matigas na Pulis sa …

Maja Salvador Rhea Tan Beautéderm

Maja kinompleto ni Maria ang pagiging babae; Rhea Tan bilib sa pusong dalisay ng aktres  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MASAYANG-MASAYANG ibinalita ni Maja Salvador na naging makulay at exciting ang kanyang personal …

Pepito Manaloto

Pepito Manaloto may pasilip sa anniversary summer special

RATED Rni Rommel Gonzales MAWAWALA talaga ang init ng ulo ng viewers kapag tumutok at …