Wednesday , May 21 2025
Bong Revilla Jr

Bong kailangang maka-recover bago gumawa ng pelikula

MA at PA
ni Rommel Placente

MARAMI na ang excited sa pagbabalik-pelikula ng actor-politician na si Bong Revilla. Pero napurnada nga ito, hindi niya na magagawa ang Alyas Pogi 4, matapos siyang operahan sa Achilles tendon sanhi ng nangyari sa kanya sa set ng Birador ilang linggo na ngayon ang nakararaan.

Ang una kasing plano, gagawan na lang ng paraan ang mga action scene ni Sen. Bong pero mas gusto raw nitong siya mismo ang gagawa ng stunts.

Sabi ni Sen. Bong, “Medyo nai-shelve muna ‘yung ‘Alyas Pogi,’ ‘yung pagbabalik niya sa pelikula. Kasi ayaw niyang half-hearted ‘yung paggawa ng pelikula.

“Kailangan maka-recover muna siya. He wants to do ‘yung stunts, ‘yung mga action scene na siya ‘yung gumagawa. So, gusto niyang maka-recover muna,” ang pahayag ng asawa ni Sen. Bong na si Congresswoman Lani Mercado sa isang panayam.

Improving naman daw ang kondisyon ni Sen. Bong. Pero ayon sa misis niyang si Lani medyo matatagalan pa ang recovery process nito.

Samantala, sa kabila ng kanyang kondisyon ay nakapunta pa sa Malacañang last week ang aktor na pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang “Kabalikat Sa Pagtuturo Act” na siya ang principal author.

Nagpapasalamat po tayo sa mahal na Pangulo at nalagdaan na rin itong ating Kabalikat sa Pagtuturo Act na ang makikinabang ay ang ating mga guro. Ito ‘yung tinatawag na Chalk Allowance nila na dati ay tumatanggap sila ng P5,000 a year pero ngayon P10,000.

“Napakalaking tulong para sa ating mga guro. Kaya again, Thank you Mr. President Marcos Jr. at siyempre sa mga kasama natin sa Senado at Kongreso,” mensahe ni Sen. Bong.

Sabi naman ni Congw. Lani, “Isa po ako sa principal authors sa Kongreso kasama si Congressman Bryan Revilla ng Agimat party-list at Cong. Jolo Revilla of 1st District of Cavite. Nandiyan din ang Teachers partylist na kasama rin natin. So it’s really a partnership. Sama-sama po ito para sa ating mga guro.”

About Rommel Placente

Check Also

Billy Crawford Nadine Lustre Janno Gibbs Arthur Nery Pops Fernandez

Billy puring-puri pagiging propesyonal, smart ni Nadine

RATED Rni Rommel Gonzales SI Billy Crawford muli ang host ng Season 3 ng Masked Singer Pilipinas na kasama …

Maja Salvador Emojination

Maja sa pagiging ina: masarap na pagod, worth it

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG taon na sa May 31 si Maria, ang anak nina Maja Salvador at Rambo …

Carmi Martin Aki Blanco Jaime Fabregas Rosanna Hwang

Carmi nahanap ng produ sa kapitan ng barangay

RATED Rni Rommel Gonzales NAKATUTUWA ang kuwento kung paano nakuha si Carmi Martin para gumanap na Naty …

Eddys Speed

8th The EDDYS ng SPEEd sa Hulyo, 2025 aarangkada

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TIYAK na mas exciting at maningning ang 8th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ngayong …

Sylvia Sanchez

Renoir ni Sylvia Sanchez binigyan ng standing ovation sa Cannes 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAPAKAINIT ng pagtanggap ng pelikulang ipinrodyus nina Sylvia Sanchez at Alemberg Ang sa ginaganap ngayong 78th …