Sheryl Cruz

Sheryl Cruz apat na foreigners ang manliligaw 

I-FLEX
ni Jun Nardo

MAASIM pa sa mga foreigner si Sheryl Cruz.

Aba, apat na foreigners ang nanliligaw ngayon kay She pero wala pa siyang natataypan sa kanila, huh!

Select-select lang muna. Ayoko munang magkaroon ng involvement kahit na nga payag naman ang anak ko,” rason ni Sheryl nang maging guest sa SkinLandia opening sa SM Fairview na pag-aari ni Noreen Devina ng Nailandia.

Mabenta pa rin naman sa teleseryes si Sheryl na kasalukuyang napapanood sa GMA afternoon series na Lilet Matias: Attorney At Law.

Eh payag ba naman siyang muli na makasama sa project ang ex-loveteam at ex-boyfriend na si Romnick Sarmenta?

Eh basta maganda ‘yung project at maaayos ang schedule namin, eh why not?” tugon ni Sheryly na hot mama ang dating.