Saturday , June 22 2024
Alessandra Cruz

Alessandra Cruz, game pagpantasyahan ng mga kelot

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MATINDI ang lakas ng dating sa mga barako ng newbie sexy actress na si Alessandra Cruz.

Si Alessandra ay isa sa 11 na ipinakilalang new sexy stars ng Vivamax sa bago nitong milestone sa natamong 11 Million subscribers.

Siya ay 20 years old, may taas na 5′ 7″ at ang vital statistics niya ay 36-24-36.

Ipinahayag ng magandang talent ni Jojo Veloso na super-happy siyang mapabilang sa ini-launch na 11 new sexy stars ng Vivamax.  

Nakangiting wika ni Alessandra, “Sobrang saya po ng puso ko dahil naging parte po ako ng 11 sexy newbie, kaya nagpapasalamat po ako kay Boss Vic (del Rosario) dahil nabigyan po ako ng pagkakataon na maipakita ang kaseksihan ko.” 

Nakatakdang gawin ni Alessandra ang pelikulang Nurse Abi, pati na ang pelikulang Kaldag na pagbibidahan ni Benz Sangalang.

Nabanggit din ng dalaga ang dream role na wish niyang magampanan. 

Aniya, “Ang dream role ko po ay horror with sexy scenes, dahil mahilig ako sa horror movies talaga.”

Okay lang bang pagpantasyahan siya ng boys kapag napapanood na sa Vivamax? “Wala pong problema sa akin as long as hindi po nila ako nahahawakan. So, okay lang po, basta hanggang tingin lang sila, hehehe,” nakatawang sambit pa ni Alessandra.

Ipinahayag din ni Alessandra na sa palagay niya’y ang kombinasyon ng kanyang dibdib at butt ang assets niya dahil pansinin daw ito ng mga kalalakihan.

“Yes po, sa tingin ko ay assets ko ito at pansinin ng boys, po. Malaki po kasi ang boobs ko, pati na ang puwet ko, hehehe,” pakli pa ng tisay na newcomer.

About Nonie Nicasio

Check Also

Rhen Escano

Karma ni Rhen pang Hollywood-level

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Rhen Escano na sobra siyang nahirapan sa paggawa ng action film, ang …

CC6 Music Fest 2024

CC6 Music Fest 2024 aarangkada kasama ang Rocksteddy at Mayonnaise

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAKIPAG-RAKRAKAN, kantahan, at sayawan sa June29, 2024 kasama ang ilang …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Marian Rivera Balota

Marian intense ang aktingan sa Cinemalaya entry  

RATED Rni Rommel Gonzales SIGURADONG kakaibang Marian Rivera ang mapapanood sa Cinemalaya entry na  Balota. Makikita sa isang BTS photo …