Thursday , May 1 2025
Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang quote cards, na ginawa umano ng kanyang mommy Annabelle Rama, na umano’y nagsalita ito ng hindi maganda laban sa kanyang dating manugang na si Sarah Lahbati.

Isa na rito ang umano’y matapang na pahayag ni tita Annabelle tungkol sa bagong dyowa raw ni Sarah na naispatang ka-date sa Hong Kong.

Ang nakalagay sa naturang fake quote card, “Nakikita n’yo! nakita n’yo nakikita n’yo naman ‘yan hindi ko na kailangan pa magsalita.

“Oo may kasama sa hongkong ang bruha,” ang nakasulat sa pekeng quote card na ang tinutukoy ay ang nag-viral na litrato ni Sarah na may ka-date raw na foreigner guy sa Hong Kong.

Nauna nang itinanggi ni Sarah na dyowa niya ang naturang lalaki, aniya friend lang niya iyon pero ipinagdiinan niya na single naman siya ngayon kaya walang isyu kung ma-link man siya sa iba.

Sa isa pang quote card ay mababasa naman na inamin daw ni Tita Annabelle na nagbakasyon si Richard kasama ang aktres na si Barbie Imperial.

Nakasulat pa roon na mas boto raw siya kay Barbie at ‘di hamak na mas mabait ang dalaga kaysa kay Sarah.

Pero ayon nga sa panganay na anak ni tita Annabelle na si Ruffa, fake news ang mga naglabasang quote cards.

My mom has not uttered a word. Things are peaceful at the moment. Let’s keep it that way,” paglilinaw ni Ruffa.

About Rommel Placente

Check Also

InnerVoices

Atty. Rey Bergado, bilib sa bagong frontman ng InnerVoices na si Patrick Marcelino

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Atty. Rey Bergado na ang kanilang grupo na …

Bam Aquino Anne Curtis Janine Gutierrez

Isa pang ‘Diyosa’ suportado pagka-senador ni Bam Aquino

ISA pang “Diyosa” ang nagpahayag ng suporta sa pagka-senador ni dating Senador at independent candidate …

Lights Camera Run Alden Richards Barbie Forteza Kim Chiu Paulo Avelino

Lights Camera Run project ni Alden suportado nina Barbie, Kim, Paulo

MA at PAni Rommel Placente ISA pang pangarap ni Alden Richards ang gusto niyang maabot, ang  maging  …

Kyline Alcantara

Kyline Alcantara: I really don’t have to explain myself

MA at PAni Rommel Placente NAGLABAS ng saloobin si Kyline Alcantara tungkol sa mga pinagdaraanan niya sa …

Arnold Vegafria David Licauco

David Licauco suportado pagtakbo ng manager na si ALV

I-FLEXni Jun Nardo PINASOK muli ng businessman-talent manager na si Arnold Vegafria ang politika sa Olonngapo City …