Teejay Marquez Wilbert Tolentino Intele Builders

Teejay at Wilbert espesyal na panauhin sa pasinaya ng Intele Builders bldg.

MATABIL
ni John Fontanilla

ESPESYAL na panauhin si Teejay Marquez sa ribbon cutting ng  Intele Builders and Development Corporation Building sa

Project 8, Quezon City na pag-aari ng mag-asawang negosyante at philanthropist na sina Pedro M. Bravo (President) at Maria Cecilia T. Bravo (VP for Admin and Finance) last March 06, 2024.

Ilan sa nakasama ni Teejay sa ribbon cutting sina Barangay Bahay Toro Captain Jun Ferrer, former Mr. Gay World Philippines, businessman, at Ahon Mahirap Wilbert Tolentino.

Ang Holy Family Church- GSIS Village, Bahay Toro, Project 8, Quezon City (Diocese of Cubao) priests na sina  Fr. Ben Arcello at Fr. Check Kokosa naman ang nagbasbas sa 5 Storey building ng Intele Builders.

Ang gusali ay kabuuan ng matagal na pangarap nina Sir Pete at Madam Cecille at katas ng dugo’t pawis, sipag, tiyaga sa trabaho na sinamahan ng dasal sa Poong Maykapal.