Alden Richard Jaclyn Jose

Alden sobrang nasaktan sa pagyao ni Jacklyn 

MATABIL
ni John Fontanilla

ISA ang Kapuso actor na si Alden Richards sa mga artistang nalungkot sa biglaang pagkamatay ng mahusay na aktres na si Jaclyn Jose.

Sa Instagram ni Alden ay nag-post ito ng larawan ni Jaclyn na may caption na, “My heart aches like a son who lost his mom… You will be with me always. I love you my tita Jane.”

Pumanaw ang Cannes  Best Actress last March 2 sa edad 60.