Nadine Lustre Vogue

Nadine may pakiusap sa gobyerno: gumawa ng bagong Maynila

MATABIL
ni John Fontanilla

DAHIL sa dami ng tao sa kalakhang Maynila, dulot ng pagluwas ng mga taga-probinsiya at paninirahan ng permanente, may panawagan si Nadine Lustre sa pamahalaan.

Pakiusap ng aktres sa gobyerno, gumawa ng bagong Maynila para lumuwag-luwag ang National Capital Region.

Sa interview ng Vogue Philippines, sinabi ni Nadine na palaisipan sa kanya  kung bakit maraming gustong manirahan sa Maynila, kaya naman halos nagsisiksikan na ang karamihan sa dami ng mga tao.