Wednesday , December 4 2024
Chanda Romero Boy Abunda

Chanda iniwasan noon na parang may ketong

MA at PA
ni Rommel Placente

FEELING ng veteran actress na si Chanda Romero, isa siyang taong may sakit na ketong na nakahahawa noong kanyang kabataan. Habang lumalaki raw kasi siya ay iniiwasan siya ng mga kababayan nila sa Cebu dahil sa pagiging produkto ng broken family. 

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon siyang iwan ang Cebu at makipagsapalaran na lang sa Maynila.

What happened to me was I think I had the misfortune of being born there going on 33, meaning I was so precautious.

“I could see things and absorb things that no child should absorb, conversations and fights that I would overhear about other women as early as three. And I would retain that,” ang rebelasyon ni Chanda sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa show nitong Fast Talk with Boy Abunda.

Pagbabahagi ni Chanda kay kuya Boy, pito silang magkakapatid at 12 years old pa lang siya nang iwan ng kanilang tatay.

Sa eskuwelahan namin, eskuwelahan ng mga madre, exclusive girl school, I was an outcast, because the parents of my classmates would go, ‘Do not associate with her, because she is a product of a broken family’ like you were a leper.

“It was like being a leper, like you have this contagious disease,” kuwento pa ng beteranang aktres.

Nasa second year high school na raw siya nang tumigil siya sa pag-aaral at umalis ng Cebu para magtungo sa Maynila para ipagpatuloy ang kanyang buhay.

What could someone with no high school diploma? What would I be doing here in Manila? I had no answers for that, I had no plans, I just wanted to get out of there.

“I had to get out of Cebu. I ran away from home, I quit school. I came to Manila with only 50 bucks not knowing what I was going to do here.”

Hanggang sa mapasok na nga siya sa mundo ng showbiz nang ma-discover ng Tagalog Ilang-Ilang Productions habang nagmo-model.

About Rommel Placente

Check Also

Arjo Atayde

Arjo malaki tsansang makasungkit ng tropeo sa MMFF Gabi ng Parangal

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGUMPAY na aktor at congressman ng 1st District ng Quezon City …

Moon Su-In Noreen Divina Skinlandia Rams David 

Moon Su-In bagong endorser ng Skinlandia

RATED Rni Rommel Gonzales BONGGA ang Skinlandia ni Madam Noreen Divina dahil ang pinakabago nilang celebrity endorser ay ang …

Jimmy Bondoc

Jimmy Bondoc ikakasal sa 2025

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na nga ang pagpasok sa mundo ng politika ng mahusay na …

Richard Gutierrez Daniel Padilla Baron Geisler Incognito

Richard  mapapasabak aktingan kina Daniel at Baron

MATABILni John Fontanilla KAKAIBANG Richard  Gutierrez daw ang mapapanood sa Incognito kompara sa mga proyektong nagawa na niya. Hindi …

Richard Gutierrez Incognito

Richard pressured sa Incognito

MA at PAni Rommel Placente AMINADO si Richard Gutierrez, isa sa bida sa pinakabagong action-series ng  …