Sunday , June 21 2026
Sephy Francisco Rampa

Philippine’s Trans Dual Diva Sephy Francisco handang-handa na sa major concert

THIS Is Me, Sephy ang titulo ng kauna-unahang major concert ng Philippine’s  Trans Dual Diva at napanood sa X Factor UK/ I Can See Your Voice Korea na si Sephy Francisco na gaganapin sa  Rampa Drag Club sa 40 Eugenio Lopez Dr. Diliman Quezon City sa January 26, 2024. 

Ang This Is Me Sephy ay hatid ng BB House Of Talentels nina Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo and Businessman & Philanthropist at siyang director ng nasabing concert na si Raoul Barbosa.

Very thankful si Sephy sa BB House Of Talents sa tiwalang ibinigay sa kanya para magkaroon ng malaking konsiyerto.

Until now ay ‘di pa rin nagsi-sink-in  sa utak ko na mayroon na akong major concert.

“Grabe, dati nanganngarap lang ako na someday magkakaroon din ako ng sarili kong concert, tiyaga lang, tiwala sa sariling kakayahan, magandang pakikisama sa industriya at  paghusayan ang trabaho and soon matutupag ‘yung dream mo at eto na nga ‘yun.

“Kaya naman nagpapasalamat ako sa mga nagsisilbing fairy godmother at fairy godfather ko sa industry na sina Tita Cecille Bravo. Tito Pete Bravo and Tito Raoul Barbosa na umpisa pa lang nang makilala ko ay naniwala na sa simpleng talento ko, at ngayon ay siyang sumugal para magkaroon ako ng major concert. Maraming-maraming salamat po talaga.

“Nagpapasalamat din ako sa aking very supportive family, friends and sa other family ko ang Ka Fam na grabe rin ang suporta sa akin,” ani Sephy.

Kaabang- abang ang mga pasabog na performances at line up of songs ni Sephy, plus special guest pa nito ang former Ms Saigon at isa sa pinakamahusay na singer sa bansa, si Ima Castro.

Karamihan ng susuotin ni Sephy sa concert ay gawa ng mga mahuhusay na designer sa bansa tulad nina Raymund Saul at Jiovanney Dela Cruz ng F&S Tailors, ang singer & composer na si Jopper Rilang Musical Director at Floor Director naman ay si Jeffrey Dizon.

Kaya naman tara na sa RAMPA sa January 26 sa This Is Me, Sephy major concert ni Sephy hatid ng BB House Of Talents.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …