Gehlee Dangca Elisia Parmisano Jin Hyeon-ju Unis

3 Pinay nakapasa bilang miyembro ng K Pop girl group na Unis

MATABIL
ni John Fontanilla

PASOK sa newest female K Pop Girl Group na Unis ang tatlong Pinay na sina Gehlee Dangca, Elisia Parmisano, at Filipino-Korean Jin Hyeon-ju (na kilala bilang Belle sa K-pop group cignature) sa walong members na  magde-debut sa South Korea.

Walo ang napili out of 90 plus contestants mula sa iba’t ibang bansa last Wednesday, Jan. 17 sa finale ng survival show na  Universal Ticket.

Si Gehlee ay isang ramp at print ads  model na naging alaga ng kaibigang Ayen Cas, na masayang-masaya sa pagkakapasok sa 

Unis, samantalang si Elisia naman ay isang model & actress at pinsan ng Horizon member na si Marcus Cabais.