Thursday , June 25 2026
Blind Item, Mystery Man in Bed

Drama actor muntik mapagsamantalahan ni Dyulalay

MA at PA
ni Rommel Placente

GWAPO itong si drama actor (DA) na bida sa aming blind item. Kaya naman talagang maraming mga bading ang nagnanasa sa kanya, lalo na noong kanyang kabataan. At isa na nga rito ang dyulalay niyang bading (DNB), na kasama niya sa tinitirhan niyang condo.

Alam ninyo bang itong si DA ay gusto sanang chorbahin? 

Ayon sa kuwentong nakarating sa amin, noong minsan daw pagod na pagod itong si DA dahil sa taping ng ginagawa niyang serye, na madaling-araw na natapos, ay agad nakatulog pag-uwi ng kanyang condo. Eh, kasama nga niya sa condo si DNB na sinamantala ang pagkakataong pasukin sa kwarto ang kanyang bosing, at doon ay hinimas ang nota nito. Na that time ay naghuhumindig dahil nga madaling araw na. Hindi naman daw pinasok ni DNB ang kamay sa loob ng brief ni DA.  Natatakot din umano ito na baka kapag pinasok niya ang kamay, ay magising si DA.

Pero nagising pa rin daw si DA. 

Naramdaman daw nito ang ginawang panghimas ni DNB sa kanyang nota. Agad daw sinuntok ni DA si DNB. At pagkatapos niyon ay sinabihan itong lumayas na.  Wala namang nagawa si DNB kundi ang lumayas na sa condo. Pero bago raw ito umalis, ay humingi ito ng sorry kay DA. At humingi pa ng isang pagkakataon, na huwag na raw siyang paalisin at hindi niya na uulitin ang ginawa.

Pero walang second chance na ibinigay si DA. Pinalayas pa rin niya si DNB.

Clue: Si DA ay hindi raw talaga pumapatol sa bading. Kahit nga raw ang dati nitong manager na bading ay hindi siya natikman. Si DA ay nagsimula bilang isang child star. Hiwalay na siya sa kanyang asawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …