Sarah Lahbati Richard Raymond Ruffa Annabelle Rama

 Sarah kinuyog ng mga Gutierrez in-unfollow sa Instagram

I-FLEX
ni Jun Nardo

KUYOG ang ginawang pag-unfollow ng Gutierrez family kay Sarah Lahbati sa Instagram—Richard, Ruffa, Raymond. Pati si mother nilang si Annabelle eh tinabla na si Sarah, huh!

Buwan na nang pagpistahan ang hiwalayan nina Richard at Sarah pero wala pang kompirmasyon sa dalawa.

Eh kung ang pag-unfollow sa IG ang basehan na hiwalay na talaga ang dalawa, aba, sobra-sobra nang basahen ito para sabihing tapos na ang relasyong Richard at Sarah, huh!