Wednesday , December 4 2024
MMDA Don Artes MMFF PPP FDCP

Artes humingi ng sorry Summer MMFF ‘di na gagawin

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HUMINGI ng paumanhin ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil walang magaganap na Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Ito ang inanunsiyo ni MMDA Chairman at concurrent MMFF ExeComm Chairman na si Don Artes noongMartes ng umaga sa isinagawang media conference sa kanilang tanggapan.

Ani Artes, gusto nilang bigyang atensiyon ang paghahanda sa ika-50 taon ng MMFF.

“Ako po ay humihingi ng paumanhin dahil hindi na po kami magsa-Summer, ang Metro Manila Film Festival,” ani Artes. 

“Gusto po naming mag-concentrate sa 50th edition natin. Pero marami rin naman po tayong activities na naka-line up,” dagdag pa.

Ibinahagi rin ni Artes ang posibilidad na pagsasagawa ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) at nakipag-ugnayan na siya sa Film Development Council of the Philippines (FDCP). 

Ibibigay daw nila ang full support sa proyektong ito. 

“Nag-usap ho kami ng FDCP sa pangunguna ni Chair Tirso Cruz III na kung pwede instead na Summer MMFF ay magkaroon ng Pista ng Pelikulang Pilipino para ma-sustain po natin ‘yung momentum,”sambit ni Artes.

“At kami po sa MMFF ay nag-offer ng tulong kung sakaling magko-conduct po ang FDCP ng Pista ng Pelikulang Pilipino.”  

Inihayag din ni Artes ang pagsasagawa ng Manila International Film Festival sa Los Angeles simula Enero 29 hanggang Pebrero 2 na ang sampung pelikulang kalahok sa 49th MMFF ay ipalalabas doon.

Plano rin nilang magkaroon ng coffee table book bago ang 50th MMFF sa pakikipagtulungan ng FDCP para sa planong nationwide screening ng top MMFF films simula noong 50 years na ang tiket ay magkakahalaga lamang ng P50. 

Ito ay para ipakita, ani Artes na noon pa man ay nakapagpo-prodyus na tayo ng mga dekalidad na pelikula.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Arjo Atayde

Arjo malaki tsansang makasungkit ng tropeo sa MMFF Gabi ng Parangal

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGUMPAY na aktor at congressman ng 1st District ng Quezon City …

Moon Su-In Noreen Divina Skinlandia Rams David 

Moon Su-In bagong endorser ng Skinlandia

RATED Rni Rommel Gonzales BONGGA ang Skinlandia ni Madam Noreen Divina dahil ang pinakabago nilang celebrity endorser ay ang …

Jimmy Bondoc

Jimmy Bondoc ikakasal sa 2025

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na nga ang pagpasok sa mundo ng politika ng mahusay na …

Richard Gutierrez Daniel Padilla Baron Geisler Incognito

Richard  mapapasabak aktingan kina Daniel at Baron

MATABILni John Fontanilla KAKAIBANG Richard  Gutierrez daw ang mapapanood sa Incognito kompara sa mga proyektong nagawa na niya. Hindi …

Richard Gutierrez Incognito

Richard pressured sa Incognito

MA at PAni Rommel Placente AMINADO si Richard Gutierrez, isa sa bida sa pinakabagong action-series ng  …