Friday , May 3 2024
3 in 1 Net 25

Maricel, Eric, Epy, Boy2  at iba pa, tampok sa sitcom na 3 in 1 ng NET25  

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY bagong aabangang sitcom sa NET25, ito ay pinamagatang 3-in-1. Ukol ito sa magkakapatid na hindi magkasundo, pero kailangan nilang magsama-sama sa isang bahay para tuparin ang mga huling habilin ng yumao nilang ama na si Don Julio Liberica.

Sa kabila ng hindi pagkakasundo ay kailangan nilang magtulungan para matupad ang mga kahilingan ng ama, at para rin makuha ang ipinamana sa kanila. Mas lalo pa itong magiging complicated dahil magkakaiba ang gusto nilang gawin sa mamanahin nila.

Si Irish Liberica ang panganay at nag-iisang anak na babae ni don Julio, hindi na siya nakapag-asawa dahil siya ang nag-alaga sa ama noong magkasakit ito. Ang gusto ni Irish ay i-maintain ang property na ipinamana ni don Julio. Ang nag-iisang diamond star na si Ms. Maricel Soriano ang gaganap na Irish.

si Mac Liberica naman ang pananganay ni don Julio sa pangalawa niyang asawa, nagpasya si Mac na sa America manirahan dahil hindi niya makasundo ang nakakatandang kapatid na si Irish. gusto niyang ipa-develop ang ipinamanang property ng ama. Si direk Eric Quizon naman ang gaganap na Mac.

Si Chino Liberica ang pangalawang anak ni Julio sa pangalawang asawa niya, wala siyang permanenteng trabaho dahil ang pangarap niya ay maging isang musikero. Baon siya sa utang dahil sa rami ng raket na pinasok, kaya ang gusto niya ay ibenta ang ipinamanang property ng ama. Ang gaganap bilang chino ay si Direk Epy Quizon.

Ang nag-iisang anak naman ni Julio sa pangatlong asawa niya na si Benz Liberica ay itinago ng ama sa mga kapatid niya dahil sa takot na lalong magkagulo ang magkakapatid. Ang tanging gusto lang ni Benz ay kilalanin ng mga kapatid at matupad ang mga huling habilin ng ama. Si Vandolph Quizon ang gaganap na Benz. 

Si Oli Liberica naman ang anak ni Mac, ay gagampanan ni Boy2 Quizon Lumaki siya sa America at umuwi ng Pilipinas para makilala ang mga kamag-anak dito. Hindi sila magkasundo ng ama dahil tutol si Mac sa pagiging gamer ni Oli.

Ang makulit at pilyong si ross ay anak ng kaibigan ni Irish, ibinilin sa kanya si Ross nang nagtrabaho sa ibang bansa ang nanay niya. Nawawala ang kapilyuhan ni Ross kapag kaharap ang crush niyang si Carmel. Si Vito quizon ang gaganap bilang Ross.

Si tita Mocha ang nakababatang kapatid ni don Julio, na tatayong ina ng magkakapatid sa pagkawala ng ama nila. Siya rin ang maniniguro na matutupad ng magkakapatid ang last will and testament ni don Julio. Ang gaganap na tita Mocha ay si Angie Castrence.

Dadagdag sa kaguluhan ang pinsan ni Irish na si Ato, inampon siya ng nanay ni Irish noong maulila, kaya parang kapatid na ang turing sa kanya ni Irish. Siya ang kasama ni Chino sa mga raket na pinapasok niya, ang gaganap na Ato ay si Long Mejia.

Makakasama rin dito si Rina, ang bestfriend ni Irish. Supplier siya ng beauty products at kung ano-ano pa, basta pagkakakitaan. Siya rin ang proud mother ni Carmel na nagmana raw sa kanya ng kagandahan. Si Donna Cariaga ang gaganap sa papel na ito.

Si Carmel naman ang anak ni Rina na bukod sa maganda, ay matalino din, medyo mahiyain nga lang. Gandang-ganda si Carmel sa nanay niya kaya laging terno ang suot nilang damit. Si Shira Tweg ng NET25 Star Center ang gaganap na Carmel.

Si Tetay ay isang cosplayer, ang number one fan ni Oli, kaya gagawin niya ang lahat mapansin lang ng crush niya. Minsan nga lang, medyo parang nawawala siya sa wisyo at ang gaganap na Tetay ay si Charuth Reyes.

Ang abogado ni don Julio na si attorney Guy ang mag-aasikaso sa pag-transfer ng property niya sa Liberica siblings. kaibigan ng tatay ni atty. Guy si don Julio, kaya siya ang kinuha kahit medyo mahinang abogado. Si Bearwin Meily ang gaganap na atty. Guy.

Si Cobra naman ang isa sa pinagkakautangan ni Chino, siga siya sa barangay nila kaya lahat ng gusto niya ay sinusunod ni Chino, lalo na at wala pa siyang ibabayad dito. Si Gene Padilla ang gaganap na Cobra.

Sila ang bagong aabangan na magpapasaya sa madla sa pinakabagong sitcom sa NET25, ang 3-in-1. Ito ay mapapanood tuwing Linggo, alas otso ng gabi, simula January 14, 2023.

About Nonie Nicasio

Check Also

Puregold Flow G

Hop Icon ng ‘Pinas na si Flow G bahagi na ng Puregold!

HABANG naghahanda na ang mga bigating musikero sa Pilipinas na isuot ang berde at ginto—mga …

Dirty Ice Cream Vivamax

Dirty Ice Cream ng Vivamax ‘di raw pampantanggal init

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil pampa-tanggal init na lang din ang usapan, may bagong …

Pepe Herrera Joey Reyes Bantay Bahay

Pepe pressured sa pagpatok ng horror-comedy movie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAW isipin ni Pepe Herrera ang “pressure” na kasali siya sa Pinoy highest …

Willie Revillame

Willie mapapanood pa rin sa AllTV

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BALIK-ALLTV din pala si papi Willie Revillame dahil mukhang ipalalabas din ang bago niyang …

Ysabelle Palabrica Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Ysabelle Palabrica hinangaan husay sa concert nina Rachel, Hajji, at Gino

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na major OPM concert,  Noon at Ngayon sa New Frontier noong …