Thursday , February 22 2024
Jennylyn Mercado Xian Lim  Love Die Repeat

Jen ratsada na sa trabaho

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

SA pagpasok ng 2024 ay balik trabaho si Jennylyn Mercado matapos ang matagal din niyang pamamahinga na nataon din ang panahon ng pandemic at biglang pagdadalangtao niya. Siya sana ang unang katambal ni Xian Lim sa unang proyekto sa Kapuso. Dahil dito ay nabigyan siya ng GMA ng iba’t ibang project na pawang magaganda rin naman.

Sa pagbabalik ni Jennylyn ay natuloy din ang tambalan nila ni Xian sa upcoming teleserye na Love, Die Repeat na magsisimula nang umere sa Lunes, January 15. Kaya excited noong first taping day si Xian with Jen since first time niya mami-meet ang Kapuso star. Dati raw ay nakikita lang niya si Jen sa mga notebook ng mga estudyante noong hindi pa siya artista. Uso kasi noong araw ang mga litrato ng mga artista sa mga notebook na tinatangkilik ng fans. Ngayon nga naman ay hindi niya sukat akalain na makakatambal niya ang aktres.

Bukod kina Jen at Xian ay kasama rin sa cast sina Shyr Valdez, Malou de Guzman, Ina Feleo, Mike Tan, Valencia Montenegro, Valerie Concepcion, Mike Tan at marami pang iba. Dahil matagal din namahinga si  Jen ay sabik na aabangan ng mga loyal fan niya.

About Joe Barrameda

Check Also

Donny Pangilinan Maricel Laxa

Donny may lalim umarte

MA at PAni Rommel Placente ISA talaga si Donny Pangilinan sa mga young actor natin ngayon na …

Liza Soberano Tessa Albea AJ Perez

Liza Soberano ibinahagi pagiging super fan ni AJ Perez

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Liza Soberano ni Tessa Albea sa One Down, ibinunyag na …

Dingdong Dantes Marian Rivera Senate

DongYan , Joaquin binigyang pagkilala sa Senado

I-FLEXni Jun Nardo PINARANGALAN ng Senado sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, at buong staff na bumubuo ng …

Ferdie Estrella Abot Kamay Na Pangarap

Problema ng GMA sa Baliwag tinapos na 

I-FLEXni Jun Nardo NATAPOS na ang sa Baliwag scene na eksena sa top-rating GMA show na Abot Kamay …

Gabby Concepcion TVJ

Popularidad ni Gabby nasagasaan ng TVJ; Afternoon programming ng GMA humina

HATAWANni Ed de Leon HINDI ba ninyo napansin mukhang hindi masyadong umingay ang huling serye …