Teejay Marquez

Teejay Marquez napurnada ang pagpunta sa Indonesia at Thailand

MATABIL
ni John Fontanilla

MUKHANG naantala na talaga ang plano ni Teejay Marquez na magawa pa ang mga nabinbing proyekto sa Indonesia at Thailand dahil na rin sa dami ng trabaho sa ‘Pinas.

Kung naging super busy ito noong 2023, mas magiging abala ito sa dami ng proyektong gagawin ngayong taon.

Buwenamano na ang  GMA serye na Makiling with his co-tweenhearts na sina Kristoffer Martin at Derrick Monasterio na napapanood na simula kahapon, January 8. At kahit kasisimula pa lang ng serye, nakatakda rin itong mapasama sa isa pa na mapapanood din ngayong taon.

Bukod pa riyan ang mga pelikulang naka-line up, commercial shoot, print ads, at out of town shows.

Kaya kahit gusto nitong bumalik sa  Indonesia at Thailand ay mukhang napakalabo ngang mangyari sa dami ng projects na gagawin.