Wednesday , February 28 2024
Salve Asis PSN PM SPEEd

Salve Asis ng PSN at PM bagong presidente ng SPEEd

PORMAL nang inihayag ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd ang pag-upo ng bago nitong pangulo na si Salve Asis.

Si Asis ay entertainment editor ng dalawang national tabloid sa bansa, ang Pilipino Star Ngayon at Pang Masa na kabilang sa PhilStar Media Group.

Siya ang hahalili sa posisyon ng dating pangulo ng SPEEd na si Eugene Asis, entertainment editor ng People’s Journal na dalawang taon ding nagsilbi bilang presidente ng grupo.

Sa pagtatapos ng kanyang termino, nagpahayag ng tiwala at suporta si Eugene sa bagong halal na pangulo ng SPEEd na ilang taon na ring bahagi ng entertainment industry.

Nagsimula ang SPEEd bilang isang social club ng mga entertainment editor mula sa iba’t ibang national broadsheet at mga nangungunang tabloid at online portal sa Pilipinas.

Sinimulan ito ng yumaong entertainment editor ng Manila Standard at president emeritus ng SPEEd na si Isah V. Red.

Ayon kay Salve, ang isa sa magiging top priority niya bilang pangulo ng grupo ay ang pagdaraos ng 7th edition ng The EDDYS o The Entertainment Editors’ Choice ngayong 2024.

Ipagpapatuloy din ng kanyang liderato ang pagsasagawa ng mga charity programs na isa sa mga adbokasiya at tradisyon ng grupo mula nang ito’y mabuo.

Bukod dito, tuloy-tuloy pa rin ang pagtulong at pagsuporta ng SPEEd sa movie industry pati na rin sa lahat ng mga indibidwal at grupo na walang-sawang nagtataguyod sa kapakanan ng mga taga-industriya.

Ang ilan pang nahalal na opisyal ng SPEEd ngayong taon ay sina Tessa Mauricio-Arriola (The Manila Times) bilang Vice President Internal at Gerry Olea (Philippine Entertainment Portal) bilang Vice President External.

Sina Gie Trillana (Malaya) at Maricris Nicasio (Hataw) naman ang nahalal na Secretary habang si Dondon Sermino (Abante) at Dinah Sabal Ventura (Daily Tribune) ang Treasurer at Assistant Treasurer. 

Muling magsisilbing PRO sina Ervin Santiago (Bandera) at Nickie Wang (Manila Standard) habang si Rohn Romulo (People’s Balita) naman ang Auditor.

Ang iba pang miyembro ng SPEEd ay sina Neil Ramos ng Tempo, Robert Requintina ng Manila Bulletin, Nathalie Tomada ng Philippine Star, Ian Fariñas ng People’s Tonight, Dindo Balares (dating entertainment editor ng Balita), at Rito Asilo ng Philippine Daily Inquirer.

Magsisilbi namang mga adviser ng grupo sina Nestor Cuartero ng Tempo at Manila Bulletin at ang former president na si Eugene Asis.

About hataw tabloid

Check Also

Maricar dela Fuente

Maricar dela Fuente happy sa takbo ng career, wish maging active ulit sa showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA si Maricar dela Fuente sa mga dumarating sa kanyang …

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan …

Dominic Roque Bea Alonzo

Hiwalayang Bea at Dominic pinagma-maritesan ng mga socialite

COOL JOE!ni Joe Barrameda HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang …

Jo Berry

Jo Berry kabado seryeng papalitan napakataas ng ratings

COOL JOE!ni Joe Barrameda  MATAGAL din nawala Si Jo Berry bago nabigyan ulit ng project sa GMA. Bago …

Angelica Jones Angelo

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak. Sa …