Saturday , February 24 2024
TVJ Eat Bulaga Dabarkads

Isa lang ang ‘Eat Bulaga!’ Rito ‘yun sa TV5! — TVJ

I-FLEX
ni Jun Nardo

PASKO at Bagong Taon ang ambiance sa TV5 studio last Saturday nang umapir ng live ang Legit Dabarkads sa Eat Bulaga sa pangunguna nina Tito, Vic and Joey para isapubliko muli ang desisyong pabor sa kanila ng Regional Trial Court ng Marikina City kaugnay ng kasong Copyright Infringement at Unfair Competition laban sa GMA at TAPE, Inc..

Ibinahagi ni Tito Sotto ang ilang salient points sa judgment na naglabasan na sa media lalo na sa mga hindi nakapanood sa announcement nila sa Facebook last Friday nang lumabas ang desisyon.

Ibig sabihin po, agaran ang pagpapatupad nito,” diin ni Tito.

Ibig sabihin, eh nanalo po tayo!,” sabi ni Vic. “Tayo po ay sumunod sa batas at kumapit sa katotohanan. Isa lang ang sinasabi ng batas at ng manonood, isa lang ang ‘Eat Bulaga!’ Rito ‘yun sa TV 5!” dagdag ni Vic at nagpalakpakan ang studio audience.

Nagpapasalamat kami sa lahat ng sumuportang legit Dabarkads sa buong daigdig!” sabi naman ni Joey.

Panalo nating lahat ito! Let’s all move forward!” deklarasyon pa ni Vic.

Samantala, sumunod naman sa hatol ng korte ang TAPE at GMA dahil noong Sabado ay iba na ang gamit nitong title ng show, Tahanang Pinakamasaya at iba na rin ang theme song na gamit.

About Jun Nardo

Check Also

Anthony Davao

Pamangkin ni Ricky na si Anthony Davao may K magpa-sexy

RATED Rni Rommel Gonzales WALA pa sa showbiz ay nakakasama na namin ang Vivamax actor na si Anthony …

Kyline Alcantara Paul Salas Michael Sager Roxie Smith Jayson Gainza

Shining Inheritance stars naki-fiesta sa Abra

RATED Rni Rommel Gonzales LALONG naging makulay at fun-filled ang selebrasyon ng Dapil Festival sa Abra City, …

Jasmine Curtis-Smith Rayver Cruz Martin del Rosario Liezel Lopez

Jasmine at Rayver pinagkaguluhan, tinilian ng mga taga-Baguio

RATED Rni Rommel Gonzales TALAGA namang very special ang selebrasyon ng Panagbenga Festival this year dahil naki-join …

Richard Hinola

Award Guru memorable ang kaarawan

ISANG simple pero memorable na birthday celebration ng itinuturing na award guru na si Richard …

Beauty Gonzales Kelvin Miranda

Beauty Gonzales wala ng balak mag-anak pa—Gusto ko rin magpa-bebe

WALA na raw balak mabuntis at magka-anak pang muli ni Beauty Gonzales. Masaya na ito sa nag-iisa …