Kim Chiu

Kim Chiu nagliwaliw para makalimot 

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAPOS lumabas ang isyung hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim ay nagtungo ng Balesin ang aktres para magbakasyon.

Nag-post nga ito larawan na naka-2 piece bathing suit at may caption na, “Grateful for small things, big things and everything in between.” 

Sey nga ng netizens na baka nagmumuni-muni si Kim kaya nagbakasyon sa Balesin dahil nga naman 11 years din ang naging pagsasama ng dalawa bilang magdyowa. Baka raw ito ang paraan ni Kim para madaling maka-move on sa break-up nila ni Xian.