Friday , June 5 2026
Karylle Dingdong Dantes Marian Rivera

Karylle umiwas kina Dingdong at Marian? (‘di dumating sa It’s Showtime)

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

FIRST time ngang magkasamang nag-guest sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa It’s Showtime last Saturday.

Bongga naman ang naging pag-welcome sa kanila dahil nga sa promo ng kanilang MMFF (Metro Manila Film Festival) entry.

Kuwela naman ang mga host na nag-estima sa couple though as early as Friday ay pinag-uusapan na sa compound ng ABS-CBN ang balitang confirmed guesting ng couple.

At doon nga pumasok ang tsikang aabsent si Karylle dahil kahit saang anggulo naman talaga tingnan, mayroon at mayroong awkwardness.

Hindi naging maganda ang mga nangyari sa kanilang tatlo in the past at sa mga nakaka-alam pa ng isyu, siyempre baka magkaroon pa ng kontrobersiya.

Pero ‘yung palabasing kesyo mayroong rehearsal o may something na iskedyul si Karylle kaya wala ito noong bumisita sina Dong at Yan sa It’s Showtime, pleasseee!!!  

Very 80’s pa ang mga ganyang publicity slant, promo style o alibi.

Puwede namang sabihing lahat sila ay nagpapaka-disente lang kahit may ilang hosts ang show na hmmm…???

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

PSC

PSC ginagamit ang kapangyarihan sa pangangasiwa upang tiyakin ang wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan

ANG Philippine Sports Commission (PSC), na itinatag sa bisa ng Republic Act No. 6847, ay …

Kiko Dee Alan Cayetano Robin Padilla Mao Aplasca

Cayetano, Padilla, Aplasca inireklamo ng Obstruction of Justice sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamong Obstruction of Justice sa Office of the Ombudsman ang grupong Tindig Pilipinas …