Wednesday , May 21 2025
KD Estrada Alexa Ilacad Cathy Garica Molina

KDLEX pinaghandaan, ipinagyabang pagdidirehe sa kanila ni Direk Cathy

PURING-PURI ni Direk Cathy Garcia Molina sina KD Estrada at Alexa Ilacad nang idirehe niya ang mga ito sa Toss Coin na ipalalabas sa 20th Hong Kong Asian Film Festival.

 Anang award winning at highest grossing film director, marunong makinig ang KDLex kaya hindi siya nahirapang idirehe ang mga ito.

Magbibida sa kanilang kauna-unahang international microfilm ang KDLex sa Toss Coin, isa sa tatlong pelikula na bahagi ng Hong Kong In The Lens By Asian Directors  na may layuning ipakita ang ganda ng Hong Kong at pausbungin ang turismo ng bansa. 

Iikot ang kuwento sa pagkikita nina Kiko (KD) at Pia (Alexa) sa Hong Kong na mabubuo ang kanilang hindi inaasahang pag-iibigan at magagandang karanasan.

Masayang ikinuwento nina KD at Alexa ang kanilang experience na makatrabaho sa unang pagkakataon si Direk Cathy.

Ipinagyayabang ko siya, ang maka-work si Direk Cathy. It’s an honor to be chosen to do this. Sabi ko nga, we have to impress them and be fun to work with,” sabi ni Alexa. 

Alam naman natin na si Direk Cathy is a master of RomCom, I was very shocked and nervous, but Alexa and I talked na we’re really going to bring our A game and we want to make the story shown to everyone,” dagdag naman ni KD.

Sa espesyal na screening na naganap noong Linggo, ibinahagi ni Direk Cathy na mas lumitaw ang emosyon at koneksiyon ng KdLex dahil sa ganda at kulay ng Hong Kong.

“While I personally like the city’s human touch and culture, this time, I had the opportunity to show the other side of Hong Kong, highlighting the beautiful architecture of the buildings and the intersection between artistic galleries and vibrant murals that blended perfectly with the story and Kdlex’s chemistry,” sabi niya.

Tatlong short films mula South Korea, Thailand, at Pilipinas ang tampok sa proyektong ito na nagsimulang mapanood ngayong Disyembre sa tvN Asia at Viu sa December 11. Ipapalabas din ito sa A2z at Kapamilya Channel. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Jane Oineza Si Sol at Si Luna

Zaijian ‘pinapak’ si Jane sa Si Sol at si Luna, mapapanood sa Puregold Channel sa YouTube

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TIYAK na marami na ang nag-aabang sa first kissing scene …

Art Halili Jr.

Theater actor Art Halili Jr  naging inspirasyon si Ate Guy

MATABILni John Fontanilla MASUWERTE ang dating theater actor na si Art  Halili Jr. dahi minsan nitong nakatrabaho …

Arjo Atayde

Arjo ‘di napabagsak ng paninira, ‘wagi ulit sa district 1 ng QC

MATABILni John Fontanilla HINDI nagabi ng paninira at muling nagwagi bilang congressman ng District 1 …

Roselio Balbacal

 Actor/businessman Roselio Balbacal numero unong konsehal sa TUY, Batangas 

MATABILni John Fontanilla BAGITO man sa politika, hindi naging hadlang para sa part time actor …

Alynna Velasquez Im Feeling Sexy Tonight

Alynna nagpasalamat kina Rachel at Ali

HARD TALKni Pilar Mateo IT took a long while for singer Alynna (Velasquez) to make a comeback. …